CHAPTER 7

7 0 0
                                    

<CRISTOPH's POV>

It's a bright morning! In case you're wondering, on the way kami ngayon sa resthouse nila Peter sa La Union. Kasama ko sa sasakyan si Raymond na kasalukuyang tulog na tulog sa backseat, at si Andrei na nagdadrive naman ng sasakyan.

"Sinu-sino nga tayo 'tol pupuntang La Union?", tanong ko kay Andrei.

"Sila Gizelle, susunod na lang daw. Then of course Faye kasi birthday niya, Peter is coming kasi resthouse nila 'yon, then si Vincent.", sagot ni Andrei na may pagbilang pa sa daliri.

"Oh, okay.", sagot ko saka nagtuon ulit ako ng pansin sa kalsada.

"I'm not sure if Ash is coming. Ang alam ko lang hindi siya nagconfirm kay Faye 'nung huling kita nila kaya medyo tentative pa 'yung attendance niya.", putol ni Andrei sa pagtanaw ko sa daan.

"No, it's fine. I did not ask.", medyo defensive kong sagot.

"But we both know you want to. Okay lang 'tol.", tinapik pa nga ko sa balikat ni Andrei pagsagot niya.

Tumahimik ulit kami at nagpatugtog na lang si Andrei. After almost five minutes nagkagulatan kami ng biglang sumigaw si Raymond sa backseat.

"Anong nangyari 'tol? Ba't sumisigaw ka dyan bigla?", tanong ko.

"Nagulat lang ako sa ring ng phone ko.", sagot ni Raymond saka kami sabay sabay natawa.

"Gago ka! Muntik pa tayo madisgrasya sa'yo.", halos pasigaw na sabi ni Andrei.

"Sorry 'tol, sorry.", tatawa tawa pa ding sagot ni Raymond. Sinagot niya naman 'yung tumatawag sa phone niya. "Hello?... Nasa ano na kami,uhm..", dumungaw pa sa bintana si Raymond. "Saan na ba tayo 'tol?"

"Bauang 'tol.", sagot ni Andrei.

"Bauang daw.... Tangina mo hahahaha..... Ah lapit na din kayo?.... Saan 'yon?.... Ge ingat.", tapos ay nag-endcall na siya.

"Sino 'yon? Sila Peter ba 'yon? San na daw sila?", tanong ko.

"Nasa sibuyas na daw sila kasi nasa Bauang na tayo. Gago talaga!", nagtawanan kaming tatlo. "Hintayan daw sa Jollibee malapit sa Ma-Cho Temple ba 'yon? Para sabay sabay dating natin 'kala Peter."

Matapos ang halos 45 minutes pa na pagdadrive ay narating na nga namin ang Jollibee na sinabi nilang pagkikitaan. Pasado alas-nueve ng umaga 'yon. Inabot namin si Vincent na papunta sa kotseng dala nila at sinenyasan niya naman kaming nasa loob daw 'yung iba. Nagpark na si Andrei at nagmamadali kaming bumaba dahil gutom na din kami sa haba ng byahe.

Dumiretso muna kami sa counter bago kami pumunta sa table nila. Paglapit nga namin ay halatang wala rin sila halos tulog. Tapos na sila kumain at halatang hinihintay na lang kami.

"Tagal niyo naman! Sabi niyo nauna pa kayo umalis sa'min!", bungad ni Faye sa'min.

"Bagal kasi magpatakbo neto ni Raymond palibhasa bine-baby 'yung tsikot niya.", asar ko.

"Hiyang hiya kami sa'yo Cristoph haba ng tulog mo sa byahe ah.", basag naman niya sa'kin.

"Anyways, kayo kayo lang nandito? Sila Gizelle papunta na din ba?", tanong ni Andrei habang nginunguya 'yung burger niya.

"Sunod na lang daw sila, may pasok pa 'yung asawa niya. Tapos si Vincent nandon sa kotse kinuha 'yung powerbank niya.", sagot ni Peter.

"Tapos si Ash nagCR lang.", singit ni Faye.

At on cue, biglang lumabas si Ashley sa CR. F*ck! Di ako prepared, kasama pala siya. Ang ganda niya pa rin kahit walang ayos.

"Nandito na pala kayo.", bungad ni Ashley paglapit niya sa table namin.

"Uy Ash sumama ka pala! Yes buo ang tropa whoooo!!", sigaw ni Andrei.

Umupo si Ashley sa tabi ni Faye at ni hindi man lang ako nilingon. So hanggang ngayon pala may tension pa rin between us. I mean, isang buwan na mula 'nung huling pagkikita namin sa KTV pero hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkikibuan.

Anyways, I have the whole weekend to try to talk to her. I'll keep trying hanggang sa makulitan na siya sa'kin at pansinin niya na ko.

After 10 more minutes ay napagpasyahan na din naming tumuloy. Malapit na lang din naman at nandon na kami sa resthouse. After 20 more minutes of driving, finally nakarating na kami sa destination namin.

I walked out the car and kinuha ko din ang duffle bag na dala ko sa compartment ng sasakyan. Nakita ko si Ashley na nagbababa ng gamit mula sa compartment ng sasakyan nila Peter. Agad akong lumapit sa kanya para tumulong.

Akmang kukuhanin ko na 'yung dala niya ng sinenyasan niya lang ako na hindi niya kailangan ng tulong. Di ko na siya kinontra. Kumuha na lang ako ng iba pang bitbitin saka kasunod niyang pumasok.

"Wow! Ganon na ganon pa din ang itsura.", narinig kong sabi ni Ashley pagpasok namin.

"When was the last time na you were here ba?", tanong sa kanya ni Vincent.

"Almost three years ago na din ata. If I remember it right, birthday din ni Faye 'yon.", sagot ni Ash.

"Yeah, I remember that.", lumabas naman mula sa kusina si Faye na nakikinig din pala sa usapan. "'Yun pa nga 'yung naiwan kayo ni Cristoph dito dahil di siya makabangon 'nung pauwi na."

Awkward silence. Of all instances na nangyari that trip, 'yun talaga 'yung naisip na sabihin ni Faye.

"I don't remember much. Anyways, where's my room?", pagputol ni Ash sa usapan at saka tumayo hawak ang bag niya. Sinundan naman siya ni Peter para ituro ang magiging kwarto nila ni Faye since sila ang magkasama sa kwarto.

Sinenyasan ko si Faye na parang bumaril sa ulo, bumulong naman siya sa'kin ng "Sorry." na may pagpeace sign pa pagdaan niya sa harap ko.

"Kayo alam niyo na san kwarto niyo ha.", sabi ni Vincent.

"Itong dalawang 'to na naman kasama ko sa kwarto? Ngayon pa lang nauumay na ko.", sagot ni Raymond.

"Wow! Parang kami di nauumay sa mukha mo eh no?", pambabara ni Andrei sabay hampas ng throw pillow kay Raymond.

"Mauna na ko sa kwarto ha balakayojan.", singit ko sabay dampot ng bag ko.

Naglalakad na nga ko sa hallway papunta sa mga kwarto ng sakto namang lumabas din si Ashley mula sa katapat na kwarto ookupahin namin. Parehas kaming tumigil sa paglalakad at halata mong di alam ang gagawin. Ang awkward naman kung babalik kami sa pinanggalingan namin.

Lalakad na sana ko padiretso ng lumakad din siya. Mas lalong nagiging awkward kasi nagtatagal pa kami sa hallway. Parehas naming nahaharangan ang dadaan ng bawat isa. Biglang bumukas 'yung dulong pinto at lumabas si Peter.

"Ehem! Anong kaguluhan 'to ba't parang traffic sa hallway?", halata sa tono ni Peter na nang-aasar.

"De, inaantay talaga kita.", pagpapalusot ni Ashley saka lumapit kay Peter. "Hihiram sana kong sunblock. Tara 'dyan sa kwarto niyo."

Nagmamadali siyang lumakad papunta sa kwarto nila Peter. Narinig ko pa si Peter na nagsabing "Weh? Parang di naman sis! Parang trip niyo lang maging awkward sa hallway ni Cristoph."

Pumasok na ko sa kwarto namin at sinara ang pinto. Napaupo na ko sa kama. Di ko alam anong pwede kong gawin para mabalik namin ni Ashley 'yung meron kami dati. Kahit friendship lang, kahit friendship muna.

Truth or Dare?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon