<CRISTOPH's POV>
"Oy anona? Truth or dare?", inaalog ko pa ang braso ng kaibigan ko na tinulugan na ata ako. Akala ko pa naman malakas sa inuman 'to, isa pa palang weakling.
Kinuha ko naman ang bote na nasa harap ko sabay tinungga ang natitirang laman nito.
"Truth.", narinig kong bulong ni Ash. Gising pa pala 'to, 'kala ko tinulugan na ko.
Si Ash. Kaibigan ko for God knows how long. Since grade school magkasama na kami, magkababata you can say. Si Ash 'yung tipo ng babae na sobrang tapang, kaya grabe hanga ko sa babaeng 'to.
At ako, ako naman si Cristoph. Tipikal lang. Di ganon kapogi, pero di rin naman pangit. I'm 23, nagtatrabaho sa isang opisina sa Makati. Breadwinner ng pamilya. Masiyahin, makulit, mapang-asar.
"Hoy sabi ko truth!", nagulat ako kasi biglang bumalikwas sa pagkakayuko si Ash.
"Teka, wala pa kong naiisip.", reklamo ko din sa kanya. "Ay alam ko na! Kapag nakipagbalikan ba sa'yo si Darren babalikan mo pa?"
Pumangalumbaba siya sa tanong ko. "Depende.", sagot niya.
"Parang tanga naman sumagot 'to? Panong depende?", pagsusungit ko naman sa kanya.
"Depende kung pagbalik niya tanga pa din ako.", yumuko si Ash pagtapos. Narinig ko 'yung mahihina niyang hikbi pero di ko alam ano bang dapat kong gawin. "Depende kung sa pagbalik niya, ako na pipiliin niya."
Tinapik ko siya sa braso, tumingala naman siya para magtama ang tingin namin. "Akala ko ba walang iyakan? Dumayo pa tayo ng La Union, tapos iiyak ka din naman pala."
"Gago ka kasi!", sabay hablot niya sa bote ng beer na hawak ko. "Alam mo na nagmu-move on 'yung tao kung anu ano pang tinatanong mo."
"Pero seryoso? Babalikan mo pa rin 'yung gago na 'yon pagkatapos ng ginawa niya sa'yo?", pangungulit ko pa rin sa kanya.
"Depende nga sabi! Change topic na nga! Ikaw naman, truth or dare?", sagot niya sa'kin ng padabog.
"Dare! Maiba lang! Umiiyak ka na sa truth eh!", ginulo ko pa ang buhok niya. Sinamaan niya ko ng tingin bago nag-isip.
"Wag kang tatawa ha! Pero..", humarap pa siya ng upo sa'kin. "When we're 26 and still both single, how about we try to date for 3 months and see if we'd work out?"
Nabuga ko pa sa kanya 'yung iniinom kong beer sa gulat ko sa dare niya. "Seryoso ka ba? Tulog na tayo Ash, umakyat na ata sa utak mo 'yung alak."
"Seryoso nga ko! Ano? Game? Bakla ka ata kaya ayaw mo eh!", pambubuyo niya pa sa'kin.
"Bakla ka 'dyan? Buntisin kita eh!", saka nagtawanan kami.
"Ano bang kinakatakot mo? If in case lang naman na single ka at single ako eh. Tsaka ang tagal pa 'non, 23 pa lang tayo!", pamimilit pa rin ni Ash sa'kin.
"Okay, fine! Deal! Let's try once we're older, and please let's do it when we're sober.", we even shook hands to seal that agreement.
xX.
[Author's Note]
Hey there, lovies! Again, I'm in the mood to do yet another great story (as per what my head's imagining) so please bare with me as I try to express them in writing.Leave a comment, be a fan!
Let me know what you think!
Toodles 💋
BINABASA MO ANG
Truth or Dare?
RomanceWould these two bestfriends DARE test their friendship, or the TRUTH would just break them?