<ASHLEY's POV>
Hayy sa wakas! After 629393729292 years nakarating din ng La Union. Grabe tagal ng byahe, ang exhausting pero tuwing nakikita ko ang view ng dagat mula sa bintana sa kwarto namin nila Faye, nawawala ang pagod ko.
Nilapag ko lang ang bag ko sa kama saka kinuha ang cellphone mula sa maliit na bulsa neto. MakapagFB na nga lang muna at for sure eh busy sila sa labas sa pag-aayos ng gamit.
Pagbukas ko ng phone ay in-open ko din ang app ko na FB pero wala akong signal. Anobayan! Mapipilitan pa kong lumabas neto makasagap lang ng signal.
Lumabas na ko ng kwarto dahil wala rin namang sense kung magstay pa ko 'don pero nagulat ako ng makasalubong ko si Cristoph sa hallway. Sh*t! Of all people na pwede kong makasalubong, siya pa talaga.
Wala pa rin akong planong pansinin siya kaya naman gumawi ako sa kaliwa para makadaan na siya. Pero ganon din ang ginawa niya. Gumawi naman ako sa kanan pero halos sabay din naming ginawa kaya di pa din kami magkalagpasan. Anobayan! Gusto ko lang naman magbrowse sa FB pero ganto naman kahassle!
Narinig kong bumukas ang pinto ng katabi naming kwarto at lumabas si Peter. "Ehem! Anong kaguluhan 'to ba't parang traffic sa hallway?", itong baklang 'to talaga di ko malaman kung kakampi ko ba 'to o ano eh!
"De, inaantay talaga kita.", pagpapalusot ko na lang dahil sobrang awkward na talaga dagdagan pa ng lowkey pang-aasar sa'min ni Peter. "Hihiram sana kong sunblock. Tara 'dyan sa kwarto niyo."
Halos lakad takbo kong lumakad papunta sa kalapit na kwarto saka pakaladkad na hinatak si Peter papasok.
"Weh? Parang di naman sis! Parang trip niyo lang maging awkward sa hallway ni Cristoph.", singit ni Peter saka ko pa lang nasara ang pinto. Agad agad kong tinakpan ang bibig ni bakla at kung ano pang masabi eh mahirap na.
"Ano ka ba baks! Sasakalin kita eh.", banta ko kay Peter. Tatawa tawa naman niyang tinanggal ang kamay ko sa bibig niya.
"Eh kasi naman pagbukas ko ng pinto kayong dalawa agad nakita ko.",saka nag-ayos si Peter ng upo sa kama. "Alam mo, sa lahat ng ayaw magkita kayong dalawa ang pinakamadalas pinagtatagpo ng tadhana. Soulmate niyo ata talaga ang isa't isa eh."
"Soulmate ka 'dyan? Ano tayo, high school? Naniniwala sa soulmate. Baduy mo!", singhal ko saka humiga ako sa tabi ng kinauupuan niya.
"Sinasabi ko lang. Na baka kahit mahigit tatlong taon kayong di nagkita, at di mo pa kami kinontak para lang di niya malaman na nakauwi ka na, eh nandito ka pa din sa gala ng barkada na di naman parte ng plano mong pagmu-move on in the first place.", litanya sa'kin ni bakla.
"Ay basta! Iniiwasan ko pa din naman siya.", sagot ko.
"Hanggang kelan mo siya balak iwasan aber? Eh kahit anong iwas mo 'dyan, kung trip ng tadhana na pagtagpuin kayo palagi wala kang magagawa.", -Peter
"Tigil tigilan mo nga ko sa destiny chuchu mo 'dyan. Kakabasa mo 'yan sa wattpad kung anu ano na naiisip mo eh.", asar ko.
Maya maya pa ay lumabas na din kami ng kwarto para tumulong sa paghahanda ng lunch. Naging busy na kaming lahat, dumiretso na din kami ng kain para makapagpahinga pa bago dumating sila Gizelle.
—
Nagising ako ng maramdaman kong may maliliit na kamay na humahawak sa pisngi ko. Pagdilat ko ay may nakita akong baby na nakatabi sa'kin. Whaaatt?? Kaninong baby 'to? Akin ba 'to? Teka nananaginip pa ba ko?"Sa wakas gising na din si Nangnang, tulog mantika pa din siya 2019 na!", di ko napansin na nakaupo pala si Gizelle sa sofa sa tabi ng kama ko.
"Nandito ka na pala. Ito na ba baby mo?", sabay buhat ko sa bata na nasa tabi ko.
"Oo. Baby, meet Nangnang. Nangnang meet baby Georgie.", singit ni Gizelle saka nakitabi na din sa'min sa kama. "Sabihin mo nak penge ka pamasko."
"Che! Modus ka!", sabay irap ko pa kay Gizz. Maya maya pa ay lumabas na kami ng kwarto.
"Kanina pa kayo dumating?", tanong ko habang palabas kami ng bahay para umupo sa patio.
"Kararating lang din halos. Si Faye lang nga inabot kong gising.", sagot ni Gizelle. Kinuha niya naman sa'kin si Georgie saka siya ang nagbuhat.
Nang makalabas ay inabot ko sa patio si George, asawa ni Gizelle. "Uy kumusta ka na?", sabay beso ko pa sa mister ng kaibigan ko.
"Ayos naman. Ikaw ang kamusta na? Tagal mong walang paramdam ah!", balik na tanong sa'kin ni George.
"Ito ganda pa din. Hahahaha anyways, what time daw ba tayong magsimulang magliwaliw dito?", tanong ko kay Gizelle.
"Itanong mo sa celebrant! Wala din akong alam duhh.", sagot ni Gizz sa'kin. Nagpaalam siyang patutulugin muna si Georgie sa kwarto nila, sumunod na din sa kanya si George para sabay na din siguro magpahinga.
Lumapit ako kay Faye para tanungin kung anong magiging itinerary namin today.
"Gising ka na pala.", bungad ni Faye sa'kin paglapit ko sa kanya sa kusina.
"Yaaas. Nagising ako sa baby ni Gizz.", umupo ako sa high chair malapit sa kitchen counter. "So, ano bang balak natin gawin dito?"
"Ang dami kong plano para sa lakad natin dito. We will go surfing as usual, parties, etc. Anyways for tonight, we'll go dine out somewhere.", sagot sa'kin ni Faye.
Saktong lumabas si Peter at Vincent kasabay si Gizelle. "Haba pala ng tinulog ko.", bungad ni Vincent sa'min.
"Lagi ka namang tulog, may bago ba 'don?", basag ni Gizelle sa kanya. Inambaan naman ni Vincent ng kutos si Gizelle.
Nagpaalam akong maliligo para mauna na ko sa mga mag-aayos. After almost 30 minutes ng pagligo ay saka ko lang napansin na naiwan ko ang damit ko sa kwarto namin ni Faye.
Di naman na big deal sa'ming magbabarkada 'yung makitang nakatapis ang kahit na sino. Nakailang overnight na kami sa kung saang lupalop ng Pilipinas kaya sanay na kami sa katawan ng isa't isa.
Lumabas na nga ako ng banyo. Nasa dulo ito ng hallway kaya nagmamadali akong humakbang papunta sa kwarto namin. Malapit na ko ng biglang bumukas ang pinto ng katapat naming kwarto at lumabas sa Cristoph.
Sa gulat ko ay nadulas ako dala ng basa pa ang paanan ko at tumutulo pa ang tubig sa katawan ko kahit nakapagpunas na ko. Sinubukan akong saluhin ni Cristoph kaya ang napakapit ako sa braso niya. Kasabay 'non ay ang malakas kong pagsigaw na nakapukaw ng atensyon ng mga kasama namin sa bahay.
Patakbong lumapit sa kinaroroonan namin sila Peter, kasabay ng paglabas nila Andrei sa kwarto nila.
"What is happening?", bakas sa mukha ni Gizelle ang pagtataka dala ng inabutan nilang senaryo sa hallway. Ako nakatapis at basang basa na medyo nakalilis pa ang twalya sa bandang hita, habang si Cristoph ay topless at nakaboxer shorts lang. Magkayakap!
"Wet dreams ko ba 'to?", singit ni Raymond.
"Parang 'pre. Tigang ka eh.", banat ni Andrei kay Raymond.
Nagmamadali akong kumalas kay Cristoph saka inayos ang tapis ng twalya ko. "It's not what you think!", depensa ko.
"I think we're all thinking the same thing.", sabat ni Peter. Halatang confused din siya.
"Nadulas lang si Ash, sinalo ko lang.", pagdepensa din ni Cristoph.
Napa-facepalm na lang ako saka dumiretso sa kwarto namin. Isasara ko na sana ang pinto ng nagmamadaling itulak ito ni Faye, kasabay niya din pumasok si Gizelle.
"Myghad Best, sa hallway talaga??", asar ni Faye sa'kin.
"Gagi! Nadulas nga lang ako!", depensa ko pa rin habang naghahanap ng isusuot ko.
"Pero aminin, ang yummy ni Cristoph ngayon. Nagji-gym na ba 'yon?", sabat ni Gizelle.
"Ewan! Tanong mo kay Ashley, siya nakakapa ng biceps ni Cristoph eh.", sabay pang humiyaw 'yung dalawang loka loka na 'to.
"Ay nako ewan ko sa inyo! Magsilabas na nga kayo at magbibihis pa ko!", tulak ko sa kanila palabas ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Truth or Dare?
RomanceWould these two bestfriends DARE test their friendship, or the TRUTH would just break them?