five.

192 12 10
                                    

chapter five:
ready?

Chelsea's POV

"Chelsea, gising na.." Nakita ko ang isang malabong figure ng tao na topless. Naningkit ang mata ko. "4:00 am na." Teka sino ba ito? "Malabo mata mo? Eto salamin, hiram ka muna." Teka si Unique to. "Unique." Sabi ko nalang. "Mamaya nga bili tayo ng salamin, tsk."

"Tayo ka na jan, may pasok pa." Shit hindi ko siya kayang tignan. "Magdamit ka doon. Jusko naman Nikkoi." Tumayo ako. "Bakit hot ba?" Nagpa-pogi sign siya. "Yikes!" Pagjoke ko at hinatak naman niya ako at naiyakap patalikod. Ang init niya. "Unique!!" Nagpupumiglas ako ng buhatin niya ako. "Ibaba mo ako!" Ibinaba niya na ako, "Sige na, maligo ka na."

Naligo na ako, at nagbihis, at kumain na kami. Paalis na kami ng bahay. "Ready?" I nodded. Eto ang first time namin na magpanggap na magjowa sa eskuwelahan.

Nasa school na kami, hinawakan niya ang kamay ko. "Huwag ka ngang kabahan." Nakita ko ang mga ka-grade level namin ni Nikkoi na nakabukas ang bibig at nakasunod ng tingin sa amin.

"Seryoso? Sila ni Unique? Eh ang pangit niyang babaeng yan eh!"

"Really? She looks horrible!"

"Sana, ako nalang mas maganda pa ako sa kaniya eh!"

Rinig kong bulungan nila. "Mahal, 'wag mo na sila intindihin. Ikaw ang pinaka pinaka pinaka pinaka pinaka pinaka pinaka magandang babae sa mata ko, okay?" Malakas na sabi ni Unique at hinalikan ako sa pisngi. Niyakap niya ako ng mahigpit. Nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Oo, kinikilig ako. Pero hindi rin naman kami tatagal sa ganitong sitwasyon. Peke lang ang relasyon namin. Hindi naman ito katotohanan.

Nakarating na kami sa classroom at pumunta na kami sa katabi namin. Nandoon na si Cecile. "O, magkasama kayo ni Unique ah?" She smiled. Napairap ako. "Wala 'yon." Sabi ko nalang at nilabas ang notebook at mga pandrawing ko. "Wala ba talaga? Baka mamaya, kayo na." Oo, kami pero hindi naman iyon. "Friends, 'yon kami Cecile." Sabi ko nalang.

"I'm not convinced, looks like you guys are more than friends."

"Ughhh! Ayoko nalang isipin." Namumula na ako. "Okay. Just tell me in the right time." Sabi niya. "Chelsea!" May bumubulong ng malakas ng pangalan ko, napatingin naman ako na si Unique pala iyon. "Cecile, wait lang ha."

"Bakit?" Tanong ko kay Unique. "Mamaya hintayin mo ako sa gate kung mauuna ka, kasi siyempre kasama mo yung friend mo, tapos mamaya kasama ko yung friends ko, si Blaster at si Casey. Please hintayin mo ako." He held my hand and pouted. "Sige, eto number ko, para matext mo ako later para masabi mo kung nasaan ka na, ha?" He smiled big and kissed my hand. Binigay ko sa kaniya ang number ko.

Bumalik na ako sa upuan ko since nandito narin ang prof.

"Sabi ba nga ba kayo eh." Pagpupumilit ni Cecile. Natawa nalang ako.

****

Uwian na!!!! Umuwi na si Cecile, ako natira dito sa gate.

May nagtext sa akin.

09** *** ****:
mahallllllllllll

tears of pain | u. salongaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon