thirty - six.

75 8 5
                                    

chapter thirty - six:
stay

Chelsea's POV

I woke up with a dizzy head. Diyos ko, alas cinco na ako nakatulog sa kakulitan nila.

Nakita ko si Unique na nakaharap sa salamin, walang pangitaas at nagpapatugtog. Gumalaw ako at tinignan siya. Jusmiyo, hindi ko kakayanin 'to, paano ba maging HINDI MARUPOK?!

"Hello, Chelly. Good morning." Ngumiti siya at hindi ko napansin ang camera na nakatutok sa akin. "Teka, isa pa, ang pangit nung shot. Ngiti ka naman!" Ngumiti ako ng maliit at bumalik sa pagkatulog. "Hoy, Chelsea, gumising ka na, para makakain na tayo oh."

Umiling ako. Inaantok pa ako eh. "I'm still sleepy." I buried my face on the pillow. Narinig ko siyang tumawa. Putangina, Nikkoi. Hindi ka ba titigil sa kapogian at sa pagiging cute mo??

Hinarap niya ako at hinawakan ang dalawa kong kamay para maiupo ako. Dinilat ko ang isa kong mata. "Ayoko pang gumising. Alas tres na ako nakatulog eh."

"Tumayo ka na..." - "Wait lang. Nahihilo pa ako eh."

Hindi ko sukat akalain na magiging close kami ng ganito. Yung parang wala lang nangyari noon tapos sobrang close friends kami ngayon.

Tumayo na ako at naghilamos, at toothbrush. Nagsuklay narin ako.

Nauna siyang lumabas, at sumunod nalang ako. "Hello, mga late people! Ano bang ginagawa niyo at lagi kayong late lumalabas ng kwarto?" Tanong ni Badj at tumawa. "Mga baliw, wala ah." Sabi ko.

Kumain kami ni Unique, buti nalang at nagtira sila ng pandesal at itlog. Andoon sila, nanonood. Sinabihan ko narin naman sila na pwede nilang gawin kahit ano dito sa bahay, 'wag lang sila gagawa ng milgaro dito dahit baka pati sila insensohan at palalayasin ko.

"Gusto mo kape?" Tanong ni Unique, tumango naman ako. Kumuha siya ng dalwang mug at nagtimpla ng kape. Napapansin kong mas pumapayat yata siya. Hindi ko alam.

"Ngayon lang ako ulit nakakakain ng maayos kapag nandito ako eh, pero noong nandoon pa ako sa bahay paiba iba schedule ng pagkain ko. Minsan nalilipasan ako ng gutom kasi gumagawa ako ng kanta, poem, sulat sulat ng kung ano ano." Sabi niya habang inaabot sa akin ang kape. Humigop ako.

Ang sarap niya talaga magtimpla ng kape, hindi matapang ang lasa, hindi naman matamis, yung sakto lang. "Kaya ka pumapayat." Sabi ko at kumagat muli sa pandesal.

"Chels, pwede ba tayo mag photo shoot?? Ang ganda mo kasi jan sa buhok mo!"

"Pwede naman." Sabi ko. "Yay!! OMG! Excited na tuloy ako!" Biglang bumuhos ang ulan.

Parang wala lang sa amin ang ulan, gumagalaw parin kami ng normal. Natapos na kami kumain, nilagay ko muna sa lababo ang napagkainan, tinatamad akong maghugas. Umupo kami sa sofa, at nakinood ng Netflix sa TV.

Naboringan ako kaya nilabas ko nalang cellphone ko. I scrolled through my photos, nakita ko naman ang mga selfie namin ni Unique. Pinindot ko ang isang picture na kinunan ni Blaster. Nakayakap ako kay Unique at nakahawak siya sa bewang ko. Naramdaman kong tumingin si Unique sa cellphone ko, "Hindi mo parin binubura 'yan?" Tanong niya. Tumango ako at huminga ng malalim. "Burahin mo na yan." Sabi niya at isinandal ang kaniyang ulo sa balikat ko.

"Hay nako, ang sweet naman nung nasa dulo oh! Nung wala pa yung isa jan out of place si Chelsea sa amin, pero nung dumating na aba! Parang sila ulit!" Tumawa kami ni Unique. "Hindi ah, magkaibigan na lang kami, noh." Sagot ni Unique. "Hmm.. Let's see. Mag-kaibigan, or magka-ibigan? Wahahahahaha! 'Wag kami, ChelNique, I promise, 'wag kami! Hahahaha!!" Kuntyaw ni Stephanie. Umiling ako. Mga loko loko talaga. Hayss.

Nagunat ako at bumalik nalang ako ng kwarto. Parang gusto ko matulog. Pero ayoko.

Humilata ako sa kama. Hindi ko talaga alam kung ano pwede kong gawin. Biglang pumasok si Unique. "Uuwi na siguro ako, Chelly." Umupo siya sa tabi ko. "Umuulan, uuwi ka? Tignan mo ang lakas ng ulan." Hindi ko siya pinipigilang umalis, pero iniisip ko lang yung kaligtasan niya, hindi dahil may something sa amin noon, kundi ayoko namang sa akin ang sisi kapag naaksidente siya, at kawawa din ang parents niya, his fans, lalo na ang mga kabanda niya.

"Nakakahiya na kasi, dito ako natutulog." Natawa naman ako. Parang dati lang, kahit nga nagkakainisan kami dito ko parin siya pinatutulog, walang hiyaan. "Tulok, dito ka na. Baka ano pa mangyari sa'yo."

Hindi ko alam kung bakit parang may kirot sa puso ko tuwing nakikita, nakakausap, naririnig ko ang pangalan at boses niya, o kaya't kapag tinatawag niya ang pangalan ko. "Sige, ikaw bahala." Humiga siya sa tabi ko, nakatitig din sa kisame. "Kamusta ka naman?" Tanong niya. Huminga lang ako ng malalim. "Wala. Maayos naman ako. Buti nga ang tataas na ng mga grades ko eh," Sagot ko.

"Ikaw, kamusta ka naman?"

"Ganon din. Maayos lang din naman. Pero parang ang lungkot na ng buhay ko. Parang wala na siyang kulay. Parang hindi na siya masaya, 'di gaya ng dati." Hindi ko alam kung bakit nangingilid ang mga luha sa aking mga mata, na parang gusto na nilang kumawala pero parang bawal. "Ahh. Ako din." Nanginginig kong sagot.

Tumagilid ang ulo niya para tignan ako. "Bakit ka umiiyak? Okay ka lang ba talaga?" Tumango ako. "Hindi ah! Ako umiiyak? Hindi na ako gaya ng dati noh. Atsaka, okay lang talaga ako, sobra."

"Hindi ka okay," umupo siya, at inupo niya rin ako. "Halika nga." Niyakap niya ako. "Siguro kailangan mo ng yakap. Yung mainit na yakap." Niyakap ko siya pabalik at umiyak.

"Uy.. Parang tanga naman 'to oh. 'Wag ka na umiyak, Chelly. Kalimutan na natin yung dati. Itapon mo na yung memories na 'yon." Hinagod niya ang likod ko. "Sorry na.. Hindi ko rin naman ginusto yung gawin kitang ganon eh."

Kumawala na ako sa yakap at tumingin sa kaniya. Tumawa ako. "Putangina. Baliw ka ba, Chelsea? Tangina nakakatakot ka promise! Bigla bigla ka nalang tatawa!" Tumawa narin siya.

Sana wala nalang nangyari noon, sana hindi niya nalang naisip 'yon para kung sakaling maging mag-kaibigan kami, wala na akong naiisip na ganito. Mahirap na. Masakit. Nakaka-ilang.

hoi ang pangit HAHAHAHAHA

tears of pain | u. salongaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon