twenty - one.

130 10 14
                                    

chapter twenty - one:
endless hug

Chelsea's POV

"Kain muna tayo! Saan niyo gusto? Sa mall naman tayo kumain! Boring kasi laging Jollibee!" Sabi ni Gelo sa amin. "Kaya nga, hindi ba kayo nag-sasawa sa kaka-Jollibee niyo?" Pag-sang ayon ni Badjao. Nagising si Unique. "Hoy! Hindi niyo kailangan sumigaw!" Sigaw niyo at agad ko siyang pinalo. "Ikaw Unique saan mo gusto kumain?" Tanong nila sa kaniya.

"Kahit saan basta kainan." Natulog ito uli. "Uy ayos." Sabi ko rito pero humigpit yung yakap niya sa akin. "Chelsea umayos ka baka mamaya ikaw na kainin niyan."

"Pakyu ol." Salita ni Unique at nailing ako.


****


Nasa mall na kami at napag-desisyonan na namin na kumain nalang sa McDo nalang. Ako rin naman ang nag-request dahil ang rami nilang pinagtatalunan. Ayun, pumayag na sila na McDo kasi hindi rin naman daw nila kaya na magbayad sa pangmalakasang kainan, sabi ko naman, bakit pa sa pang bongga na kainan eh may nag birthday ba o may kinasal?

"Kain muna tayo tapos let's separate muna maglakad lakad muna tayo para malibang." Sabi ni Gelo. Unique is holding my hand so tight. "Unique, ang sakit sa totoo lang." Sabi ko. Pero mas humigpit ang hawak niya at ito ang dahilan ng pag-ngiwi ko sa sakit. "Masakit!!" He laughed. "Aalis ka kasi sa tabi ko eh." He pouted, and it caused me to roll my eyes. "Oh ayan, ayan. Hindi ako aalis." Sumiksik ako sa kaniya.

"Oy, nilalapitan ako ng langgam! Grabe naman kayo Unique! Masyado na kayong sweet ah?" Malditang sabi sa amin ni Badjao. Ngumiti lang ako. "Hugas lang ako kamay, tagal ng pagkain eh." Bigla akong hinatak ni Unique. "Ano?!"

"Sama ako." Humalakhak sina Zild, Blaster, Badjao, and the rest. "Mommy Chels! I wanna go with you!" Aniya Cecile sa batang boses. "Parang tanga naman 'to, halika na." Tawa ko kay Unique. Ang higpit nung hawak niya sa kamay ko na para bang aso ako na tatakbo kapag binitawan mo. Hay nako.

"Unique maghuhugas ako ano ba?" Pilit kong tinatanggal ang kamay nito at salamat sa Panginoong Diyos at tinanggal niya rin. Pumunta siya sa likod ko and he rested his chin on my shoulders. Bakit ba ang clingy niya ngayon ng sobra sobra? Bwisit naman. Kinantahan lang ako ng sinulat niyang kanta sa gig, ganon na? Kung kailan kasama ko na si Cecile uli tsaka naman siya nagaaarte at nagyayayakap sa akin.

"I love you.." He whispered. "Oo na." Joke ko, at agad naman itong sumibangot. "Joke lang. I love you more.." I dried my hands. Pagkabalik ko ay nandoon na ang pagkain. Naks, right timing!

Umupo ako sa tabi ni Cecile kung saan ako nakaupo kanina, at si Unique ay umupo sa tabi ko. "Kainan na!" Kumuha na ako ng manok at ng kanin, binuhos ko yung isang gravy sa kanin. Tapos nilagyan ko ng panibagong gravy yung lalagyan ko, tapos kasama nanaman si Unique. Siguro mukha na akong aso sa point na 'to. Pagbalik namin ay tawa ng tawa si Blaster, napakunot ang noo ko. "Bakit?" I asked, at umupo na kami. "I just realized that Unique is so clingy this day, he never did that to Dianne." So, ano nakakatawa don?

"Ano nakakatawa don?" Tanong ko at tumango sila. "Wala, kawawa lang si Dianne." Hala, ang corny. "Wehh, si Blaster ang corny." Gelo joined. Napansin kong kagagaling lang nito sa counter at may hawak na mga tubig kasama si Stephanie.

Napatingin ako sa baba nung naramdaman ko yung kamay niya sa bewang ko, mas idinikit niya ang katawan niya at bumaba ang kaniyang kamay at napatingin ako sa kaniya with a confused look. Ano gagawin neto. Kinindatan ako ni Unique, ah! Alam ko na. "Can't fool me, alam ko gagawin mo." He laughed. Tinanggal ko ang kamay niya and hinawakan ko nalang ito.

"I can see what he's doing Chelsea." Cecile whispered and winked. "I didn't told him to do so!" I whispered back. She just smirked, Cecile's annoying sometimes.

Ipinagpatuloy ko ang pag-kain, at matapos ang ilang subo ay natapos na rin kami. "Love, bili tayo sundae." Aniya Ter kay Cecile. Ha? Sila na?

Ah! Bobo, sila na nga pala. Tumayo sila at naglakad papuntang counter. Sweet nila, tsaka bagay sila. Simula naman noong hindi pa sila ni Blaster ay ship ko na sila. Noong nag-lalakad lakad kami sa loob ng campus at nakakasalubong namin sina Blaster, Unique at Casey ay sinisikuhan ko siya. Tsaka buti pa nga sila eh, totoo yung relasyon.

Walang pag-papanggap, walang ibang iisipin, walang awkward moments kasi totoo nga diba? Walang mahihiya at maiilang, kasi totoo, walang iisipin! Hanggang ngayon nga ay ang nasa isip ko ay kaibigan ko lang si Unique. Kaibigan lang ang naiisip ko sa kaniya. Hindi jowa. Parang nga nag lalaro kami ng MAG-JOWA CHALLENGE eh.


Kalaunan ay naghiwa-hiwalay na kami at nag-lakad lakad. Maraming nag-papapicture sa kaniya, at sa akin. Panay ang yakap sa akin ni Unique. Hindi ko nga alam kung bakit eh, weird niya ngayon.


Though I like it so much, pero kakaiba siya ngayon. Panay hawak, yakap, halik niya sa pisngi ko, at panay sabi niya ng I love you o di kaya mahal na mahal kita.


******

Bumalik kami sa McDo gaya ng napag-usapan. Sabi kasi ni Gelo doon daw magkita kita. Nauna nalang kami ni Unique.

Sunod ay nakarating na si Gelo, sunod sina Blaster at Cecile. Naghintay kami ng minuto at wala parin sina Badjao, Stephanie, Glyndel at Zildjian. "Nasan na ba yung mga 'yon? Ang tatagal naman." Pag-reklamo ni Gelo. Minamasahe ni Unique ang kamay ko.

His hands are are soft. Payat tapos mahaba. Onti na nga lang ay buto na lang ang makikita mo. Joke lang! May laman parin naman siya kahit papaano.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ang apat, kaya bumalik na kami sa van. Same position, nandoon kami ni Unique sa pinaka likod. "I live you.." He hugged me tight and kissed my cheeks. "Ehem?" Zild interrupted. I blushed on embarrassment. "Doon ka na nga, Zild!" Inis na sigaw ni Unique.

Nakarating na kami sa bahay ko. Itinuro ko kasi sa kanila kung saan ito kaya nalaman nila, malamang ano ba? Joke. "Enjoy your night love birds!" Sigaw ni Blaster at ito ang akin ikinatawa, at si Unique naman ay nainis. "Masyadong advance mag-isip putangina. Halika nga, Chelsea, gawin na natin! Masyado silang nag-mamadali eh! Nabubwisit na ako!" His voice filled the quiet house. "Bayaan mo na, masyado ka namang mainitin ang ulo!" He hgged me, again. "Sorry for always hugging you, I'm just happy because you heard the song I wrote for you. By the way, do you like it? Or it sounds cringy?"

"Oh no! Maganda, I like it, naiyak nga ako diba?" Inupo niya ako sa counter. He kissed me, and I kissed him back. I let him enter his tongue, and our tongues twirled and we exchanged salivas. His hands travelled my body. I stopped. "What's wrong?"

"N..nothing, I just realized we're about to go too far, and I don't want to do it. Masyado pa tayong bata para doon, Unique. Grade 12 palang tayo." He smiled, "I'm sorry. Nadala lang siguro ako. Tsk. Bakit ba kasi ang ganda ganda mo?" I laughed. Mambobola.

Bigla niya akong binuhat ng parang bata at nagkakakawag ako. He layed me on the bed. "Tulog na tayo." He removed his glasses. I nodded on what he said. Pogi rin siya kapag walang salamin, ano? Pumikit na siya at humarap sa akin, at niyakap ako. I put my hands on his chest. Tinitigan ko lang siya. Akalain mo, 'no? Naging fake girl friend ako ng isang bokalista?

I closed my eyes and I fell asleep.

----

hello, this ended up so ugly but I'M BACK

CHAROT! may training pa ako pero i promise i'll still update hihe.

i love you and i miss you guys!!

tears of pain | u. salongaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon