twenty.

129 11 10
                                    

chapter twenty:
mundo

Chelsea's POV

Nagbihis na ako, tutal ay 5:00 pm na. Isang oras nalang, gig na ni Nikkoi, at sobrang excited na ako.

Siya, naliligo pa, ako nagbibihis na. Naka bucket hat ako na itim, at naka puting t-shirt na naka tuck in sa denim palda at naka sapatos ako na low cut Converse na itim rin. I finished my look with a shimmering lip gloss, a round earrings, and a light mascara. Naglagay rin ako ng contact lens na may grado at kakulay ng mata ko.

Lumabas si Unique ng banyo na nakapalupot ang tuwalya sa waist niya, at basang basa ang buhok. "Nikkoi, mag-punas ka nga! Tignan mo basang basa ka." Tumingin ako muli sa salamin, at tinignan siya. Lumapit ito. "Ganda mo." He smiled. "Oo, pero sinira mo kasi nilagyan mo ako ng kiss mark! Tamo, kitang kita oh!" Lagot ako neto kay Cecile at Ter. Kasama kasi si Cecile eh.

Kinuha ko ang itim kong sling bag ko na may lamang wallet, cell phone, at power bank at charger. Isinuot ko na ito at inaya na si Unique.

"Hintayin natin yung van." Kabog! May pa van pala 'to?! "Wow, van?" Tumango siya at ni-lock ko ang pinto. Lumabas na kami sa gate at hinintay ang van na sinasabi niya.

Makalipas ang 10 minutong paghihintay ay dumating na ito. "Hello, Chelsea!" Bati sa akin ni Zild, "Hello Zild!" Ngiti ko, at tumingin kay Glyndel. "Hello, Glyndel!" Niyakap ko ito. "So glad you came with us!" Ang ganda ni Glyndel, nakakainggit ang beauty niya.

"Inaya ako ni Unique, tutal I also want to hear their songs. What's their band called again? Hindi ko kasi naitanong." Sagot ko. "It's called IV of Spades." I nodded and my mouth formed an 'O' shape. "Nice name, ang ganda pakinggan nung band name. Simple yet unique." Nakangiti kong tanong.

Nakita kong umirap si Unique. "Oh bakit ka umiirap?"

"Pwede bang paki-translate sa Tagalog? I kenat anderstand kasi eh!" Tumawa kami at muling tumigil ang bus. "Hello beshieee!! Oh my God! Long time no see ah!" Yumakap sa akin ng sobrang higpit si Cecile. "Ako din, namiss kita!" Sagot ko. Si Blaster ay tumabi kila Unique at Zild, samantala si Cecile ay sa amin si Glyndel.

"Teka, Chelsea, bakit may marka yung leeg mo?" Eto na, bakit mo pinansin, Blaster?! Tinignan ko ito na parang naguguluhan ako. "Ang ano? Marka? Wala yan! Nakamot ko lang tas namuo yung dugo." Tinakpan ko ito. Blaster looked at me with a 'I am not believing you' face. Unique is just smiling. "May nangyari sa inyo noh?" Tanong ni Cecile.

"Gosh, ang babata niyo pa, Nikkoi! Paano kung mabuntis si Chelsea? Iiwan mo ganon? Tapos hindi ka na magpapakita? Jusko Nikkoi, tiisin mong makatapos ka ng kolehiyo bago ka magaganyan." Zild is right. I agree. "Eto naman, gusto ko lang naman iparating sa mga tao na may nagmamay-ari na sa kaniya eh. Raming satsat." Umayos ng upo si Unique. Tumigil uli ang van. Pumasok si Badjao at ang babae, I suppose this is Stephanie.

"Hi! Sino siya?" Tanong nito. "Chelsea Del Rosario, girlfriend ni Nikkoi." Ngumiti ito sa akin. "Stephanie." Inilahad nito ang kamay niya at inabot ko ito.

"Oh back to the topic, yung kiss matk sa leeg ni Chels!" Sigaw ni Ter. "Hoy! Pwede bang pakihinaan 'yan bungangang 'yan?! May natutulog dito!" Sigaw ng isang lalaki sa harapan at kulay blonde ang buhok. Beki ba 'to?

"Oh sorry na po, Sir Gelo!" Malditang sagot ni Blaster. "O ayun nga." Balik ni Blaster sa topic, "What if Chelsea got pregnant? What would you do? Leave her? Like what other men do?" Tanong ni Zild. "Jusko magtatanong nalang Ingles pa!" Unique groaned. "Malamang hindi! I'll stay with her. Susustentuhan ko yung bata, it's my child! God!"

tears of pain | u. salongaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon