The Enigmatic Mafia Prince 6
Tumingin ako sa paligid nang naramdaman kong may sumusunod sa akin, lumingon muna ako sa likod bago nagpatuloysa paglalakad dala ang supot na naglalaman ng instant noodles galing sa isang convenience store malapit sa apartment na tinitirhan ko. Tumingin muna ako sa cellphone ko at nanlumo nang makitang hindi pa tumatawag si Mommy.
Umasa na naman ako.
Tumalikod ulit ako at huminga ng malalim "Next time kung magtatago ka, ayusin mo"sabi ko at agad naman lumabas ang isang lalaki mula sa halaman habang nakakamot sa ulo.
"What do you want, Caine?" Agad na tanong ko nang makalapit siya sa akin. Sinalubong niya ang tingin ko.
"Matagal ng wala si Shakarri. She's dead" Matigas na sabi ko at naglakad paalis dala ang supot ko.
"Kaden!"
"Ano?" Inis na tanong ko. Salubong ang kilay na humarap ulit ako sa kanya.
"Happy Birthday" sabi niya bago maglakad paalis.
Napatigil ako sa sinabi niya at nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad palayo. Siya kasi ang unang tao na bumati sa akin ngayon at mukhang siya rin ang huli. Napailing nalang ako bago nagpatuloy sa paglalakad pabalik ng apartment ko.
Ano pa bang aasahan ko? 'Yung Mama ko? As if naman maalala niyang kaarawan ko ngayon masyado 'yung busy sa pagpapaganda ng sarili niya.
Napahinto ako sa tapat ng gate ng apartment ko nang biglang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko agad ito at tinignan muna kung sino ang tumatawag. Napakunot ang noo ko nang makita ko kung sino ang tumatawag.
Bakit to napatawag?
"Oh?" Bungad ko sa kanya.
[Happy Birthday Kaden] I gasped.
"Congratulations Mom" I said cheerfully
[Ha? Bakit?]
"Congratulations because this is the first time that you remember my birthday. Should I prepare for a party?" I asked sarcastically. Panandaliang tumahimik ang kabilang linya bago ako nakarining ng pagbuntong hininga niya.
[Look, Kaden I'm sorry busy lang-]
"It's okay. Thank you" Putol ko sa sinabi niya habang nagpatuloy sa paglalakad papalapit sa gate.
[No, I should be the one-]
"Shit! Mom, talk to you later" Tarantang sabi ko at aagd na ibinulsa an cellphone ko at nagmamadaling buksan ang gate.
Shit paano niya natuntun ang apartment ko?
Nang makapasok ako sa loob ay mabilis akong pumasok sa kotse ko at pinaandar ito palabas ng bahay. Nakita ko kasi ang kotse ni Dwight at sigurado akong siya 'yun, tatlong araw na akong hindi pumapasok at tatlong araw narin akong nagtatago sa kanya.
Mabilis kong iniliko ang kotse sa makipot na daan upang hindi niya ako masundan, napangisi ako ng makitang wala na ang kotse niya. Tumatawa ako habang nagmamaneho. Ang bilis lang pala ligawin nun.
Nawala ang ngiti ko ng paglabas ko agad sa eskinita ay nakaharang na ang kotse niya. Shit paanong?
Napakagat ako sa labi ko nang lumabas siya sa kotse niya at naglakad patungo sa kotse ko. Nakasout parin siya ng puting long sleeve, itim na slocks at kagaya rin ng dati ay wala ka paring nakikitang expression sa mukha niya.
Bumaba ako sa kotse ko at hinarap siya.
"Anong problema mo?" Inis na sabi ko. Dala dala ko pa ang supot na may lamang cup noodles.
BINABASA MO ANG
The Enigmatic Mafia Prince
Mystery / ThrillerThe less you reveal the more people can wander. Raziel Dwight Salvador story.