My American Spy

270 9 3
                                    

PROLOGUE

Dalawang taon nang nasasabak sa larangan ng law si Donna at sa dalawang taon na iyon, marami  na rin siyang naging karanasan sa kaniyang pakikipaglaban para sa karapatan ng kaniyang mga kliyente.

Pinili niyang pumasok sa isang law firm na kadalasan ang mga kliyente ay mga kababaihan at kabataan.  Naniniwala siyang malaki ang maitutulong niya sa mga ito.  Mula pa man nang siya ay magkaisip, ito na ang pangarap niyang gawin at para matupad niya ang hangaring ito, naging manhid siya sa sinumang lalaking nagkakamaling manligaw sa kaniya noon.

Ngayong masasabi niyang natupad na niya ang pangarap, siguro napapanahon na ring bigyan niya ng laya ang puso para maging maligaya.  Pumayag siyang magpakasal na sa isang taon na niyang kasintahang si Atty. James Matthew Doremon.

Dalawang buwan bago ang kanilang kasal, ipinadala siya ng kompaniya sa Cebu City para dumalo sa isang seminar-workshop ukol sa Women & Children’s Advocacy.

Hindi niya akalaing ang pagdalo niyang ito ang magbabago sa ikot ng kaniyang mundo.  Wala sa kaniyang hinuha na matatagpuan ang sarili sa isang pribadong lugar kasama ang napakakisig at napakagwapong kalahi ni Adan, si Adams McJohnson o Macky.

Hahayaan ba niyang masira nito ang nakaplano na niyang buhay?  Papaano sila ni James?  Papayagan ba niyang marahuyo sa isang lalaking ni hindi niya tiyak ang tunay na pagkatao?  Kabaliwan ba ang umibig siya sa misteryosong lalaking ito o ito ba ang kaniyang tadhana?

My American SpyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon