CHAPTER IX

93 7 0
                                    

 

Laking gulat ng abogada nang sa muling pag-angat ng kaniyang mukha, ang mala-inukit sa batong mukha ng special agent ang kaniyang matunghayan.  Hindi man lang niya namalayan itong nakalapit sa kaniya.  Bigla siyang sinunggaban nito at kinuyumos ng halik – halik na puno ng frustration.  Sandaling napatda ang dalaga pero unti-unting nadadarang na rin siya sa kapusukan nga halik nito.

Natumba sila sa kama.  Para pa ring sinasaniban ang lalaki na para bang pinipilit nitong iwaksi siya sa Sistema nito, na para bang sa pagiging marahas nito, matatakot siya rito at magkaroon ito ng sapat na lakas para mabitawan siya at matauhan ito sa kahibangan.  Pero maging siya ay nahihibang na rin.  Ayaw niyang tumigil ito, kasehoda magkapasa-pasa siya at mamaga ang labi niyang sakop ng mga labi ng lalaki.

Nang pnahong ding iyon, nagdesisyon siyang ipaubaya ang sarili sa lalaki.  Saglit niyang naisip ang katipan, pero kung noon hindi niya mapayagang mahawakan nito alinmang maselang bahagi ng kaniyang katawan, ngayon handa siyang ialay ng buong-buo ang lahat-lahat sa kaniya sa isang hindi pa niya kilalang lalaki.  Ewan ba niya pero pakiramdam niyang ito ang lalaking nararapat niyang handugan ng kaniyang pinakaiingatan, na para bang ito na nga ang lalaking matagal na niyang hinihintay.  In his arms, she felt she have finally come home.

Bagkus pinaramdam niya rito ang buong-pusong pagtanggap niya sa magiging kaganapan.  “God, please make me stop,” ang naghihirap na sambit ni Adams nang maramdaman ang kiming imbitasyon sa mga tugong-halik ng dalaga.

“No, don’t stop!”  Sawata ni Donna na napahigpit ang yakap sa lalaki.

Tuluyan nang lumipad sa hangin ang lahat ng pagtitimpi ni Adams.  Mabilis nitong nahubad ang suot na sando at ang t-shirt nito na tanging suot ng dalaga.

“You are so beautiful,” ang buong suyo nitong sambit bago pinaulanan ng halik ang buong kahubdan niya.  Wala nang panahong mahiya pa si Donna sa anumang bahagi ng katawan niya ang nalantad sa lalaki.  Sa halip, she reveled in the fact that Adams find her body beautiful.  Ngayon niya ganap na nararamdaman ang sarap ng pakiramdam na maging babae at kaaya-aya sa mata ng isang lalaki.

Napapasinghap na lamang siya sa hindi malirip na kaligayahang nararanasan sa bawat haplos ng lalaking banyaga.  Bawat halik, bawat haplos, ay nagpapasabog ng milyon-milyong boltahe ng kuryente sa kaniyang himaymay.  Para na siyang napapalibutan ng hindi mabilang na matitingkad na kulay.

“Adams, please, I need you now,” sumamo ng dalaga nang hindi niya matiis ang matinding emosyong hindi na niya kayang supilin.

“Oh, babe, I need you more,” bulong ng lalaki bago nito pinaghugpong ang kanilang katawan.  Napakagat-labi ang dalaga at bumaon sa likod ng lalaki ang mga kuko niya nang tuluyan silang mag-isa.  Ngunit ilang saglit lang muli naman siya pumaimbulog sa kalawakan.  Para na naman siya nakakita ng fireworks sa likod ng kaniyang nakapikit na mga mata.

Sabay silang napasigaw nang maabot ang luwalhating parehong gusting maabot.  Dahan-dahang sabay nilang tinalunton ang daan pabalik.  Nang medyo kumalma na ang alimpuyo ng mga damdamin, pinalit ni Adams ang pwesto nila nang hindi pa rin inihihiwalay ang sarili nang hindi niya madaganan ang babae habang bumabalik ang kanilang ulirat.

Napasinghap naman ang babae sa naging sensasyon na kakaiba niyang pwesto.  Sa bawat kislot niya, nararamdaman niya ang reaksiyon ng lalaki.  Hindi yata’t muling gising na ang diwa nito at mukhang handang-handang kumasa na uli.  Lumipad ang tingin niya sa lalaki.

It was a novel to see this big guy’s naked emotions as he succumbed to the sensation of being scorched alive.  Bigla itong dumilat.  “You are enjoying torturing me, aren’t you?”  Anas nito bago siya ipwesto ng paupo sakandungan nito.

My American SpyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon