Araw-araw na ngang pinutakte ng mga bulaklak at mga munting regalo si Donna. Kahit sa bahay nila dumadating ang mga ito kung weekends.
Nang unang araw na dumating ang mumunting regalo kasama ng mga bulaklak na may maliit na tarhetang may nakasaad na “For Your Eyes Only” samantalang ang bouquet ay may nakasaad na “Compliments of Atty. J. M. Doremon” agad na hinablot niya ang mga ito at nagmartsa patungo sa cubicle ng lalaki na medyo may kalayuan mula sa kaniyang mesa kaya kita siya ng mga kasamahang naroroon. Lahat ng madaanan niya ay sinundan siya ng tingin. Meron pa ngang tumayo pa talaga para mang-usyuso.
“Excuse me, Atty. James Matthew Doremon. Akala ko ba nagkaintindihan na tayo,” bungad ng dalaga.
“Ow? Ang bilis naman yata. Sinasagot mo na ako agad, Atty. Donna Valle?” Ngising-aso namang sagot ng lalaki.
Tumaas ang isang kilay ng dalaga. Ang mga nakakita nito na nagkukumpulan na sa isang cubicle ay nagsibulungan. “This means war!”
“Don’t twist my words, Attorney. Wasn’t it clear enough that I am telling you to back off? Well then, I tell you this once again, I don’t appreciate flowers and gifts coming from you or anybody else,” tiim-bagang na wika ng dalaga, sabay abot ng mga dala sa lalaki. “And leave me alone.”
“Oh, but the flowers are not for you,” pahabol ng lalaki sa malakas na boses.
Napatigil ang dalaga sa pagrampa pabalik sa pinanggalingan.
“I thought that since you had obligingly done so what you did last Friday, you will gladly help me out in doing the same today,” paliwanag pa nito.
Napanganga sa kaniya ang dalaga. “Really? What about that little box?” Ang hindi nito napigilang itanong.
Napangiti ang lalaki. He is finally getting somewhere. Gusto niyang palakpakan ang sarili pero masyado pang maaga para magdiwang.
“It was just a token of appreciation for doing that simple task for me,” sagot niya.
Lalong napaarko ang kilay ng dalaga at napahugot-hininga. “Ano’ng akala mo sa akin, sekretarya mo? Teka! Mang Simon,” tawag ng dalaga sa janitor.
Nang makalapit na ang tinawag, “ito si Mang Simon. Siya ang utility worker dito. Siya ang pwede mo pakiusapan para magbigay niyang mga bulaklak mo at tiyak mas ma-aappreciate niya ang token na iyan. How dare you to think I am willing na maging alalay mo,” ang nanggagalaiting wika ng dalaga bago padabog itong tumalikod.
“Oh, no! Not my secretary, Atty. Valle, but, as my girlfriend.” Napasinghap ang lahat ng nakarinig.
Hindi tumigil sa paglalakad ang dalagang abogada, pero narinig ng binatang abogado ang sagot niya.
“Not on this life!”
Napangiti ang lalaki. Naisip niyang malamang may dagdag pa ang sinabi ng dalaga na “asshole.” He feels really good. Ramdam niya, nalamangan talaga niya ngayong ang supladang abogada. Pakiramdam din niyang hindi ito sobrang galit. Mukha ngang nalilito ito.
“What happened?” Salubong ni Gabe sa kaniya.
“Ang impaktong Doremon! Maaga pa akong dinemonyo. Kunin mo ang ‘or’ sa apelyido niya, Geb. Di ba, ‘Demon’ ang matitira? Ganun siya. Kakainis!” Napabuga ng hangin sa inis ang dalaga.
“But after all that has been said and done, hindi ka naman yata gaanong galit,” puna ni Gabe.
“Hindi ba obvious na galit ako? Haler!!!”