CHAPTER VI

75 6 0
                                    

 

Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan.  Isang taon na silang magkasintahan ni James.  Napagkakuwentuhan na rin nila minsan ang pagpapakasal.

Okay naman sila.  Sabi pa nga ni James, no boring moments daw kapag sila ang magkasama.  May kani-kaniyang kaso na rin sila ngayong hinahawakan.  In fact, they are good for each other.  They are better as a team sa mga court cases na hawak nila, but, she can’t help thinking sometimes that it will be best if they were just friends.  Pero siyempre, sinasarili na lamang niya ang ganoong isipin.

Lately, nagiging mapusok na rin ang mga halik at yakap ng nobyo at parang nag-aalangan pa rin siya.  Hindi niya makapa sa puso niya ang kahandaan sa pagbibigay-tugon dito.  Kung hindi nga lang din siguro mataas ang respeto ng nobyo sa kaniya baka matagal na itong nainis sa pagpapakipot niya.

Nitong weekend, hindi siya kinulit nito mag-outing kasama ng mga office mates nila dahil alam nitong magiging abala siya sap ag-iimpake ng mga dadalhin niya para sa seminar niya sa Cebu City.  Kalimitan kasi ngayon ng mga kasong hinahawakan niya ay tungkol sa pang-aabuso sa mga kababaihan at kabataan kaya minarapat ng kompaniyang ipadala siya sa Cebu City para dumalo sa isang seminar-workshop on children and women’s advocacy.

Mabilis naman siyang pumayag para na rin makapagnilay-nilay sa sitwasyon nila ng katipan.  Nakatingin siya sa kawalan nang mapasukan ng kapatid.

“Kung niloloko ka, iwan mo na,” ang nakangising bungad nito sa kaniya.

“Tange!  Sino’ng nagsabing niloloko ako,” inis naman niyang pakli.

“E, mukhang Biyernes santo ka na naman, e.”

“Wala!  Iniisip ko lang kung ano pa ang dapat kong iimpake,” pag-iwas niya.

Matagal siyang tiningnan lang ng kapatid.  “O, ano na naman?  Ano ang kailangan mo?”  Mataray niyang tanong dito.

“Pinapatawag ka ni Mama.  Hindi ka pa raw kumakain.”

“Mamaya na ako.  Tatapusin ko lang ‘to.  Maaga pa kasi ang alis ko bukas.”

“Susunduin ka ba ng boyfriend mo?”

“Oo.  Siya ang maghahatid sa akin sa airport.  Kawawa nga e.  Tiyak pagod iyon ngayon.  Buong araw pa naman sila sa resort kanina,” ang wika niya na parang ang sarili ang kinakausap sa hina ng boses niya.

“Ate, masaya ka ba talaga sa relasyon mo?”  Biglang tanong ng kapatid.

Natigilan siya.  Hindi niya agad nakuhang sagutin ang kapatid.  Masaya nga ba siya?  Dapat oo dahil ano pa nga ba ang kulang sa isang tulad ni James?  Matalino, witty, may sense of humor naman kung nasasakyan niya lang ang tipo ng mga biro nito, gwapo, maginoo, mayaman, mabait, galante, at higit sa lahat, magaling na abogado.  Pero bakit parang may hinahanap pa siya na hindi niya maintindihan kung ano.

“Ewan ko, Em.  Naguguluhan na nga ako, e.  Mabuti nga sigurong magbakasyon muna ako para makapagpahinga at makapag-isip kung ano ang nararapat kong gawin.”

“Mabuti pa nga, ‘te.  Mahirap nang mapasubo ka na pwedeng pagsisihan mo sa huli.  Basta, ‘te, anuman ang mapagdesisyunan mo, nandoon kami lahat para sa ‘yo.  Kaligayahan mo ang mas importante sa amin.  Nasa likod mo lang kami.”

Napangiti siya sa sinabi ng kapatid.  “Kain na nga tayo.  Nagiging OA ka na, e.  Mamaya magkaiyakan na tayo niyan.”

“Hmp!  Ikaw pa?  E, may pusong bato ka yata, e,” natatawa na ring sabi nito.

“’Oy, ang bato nawawasak din.  Natitibag din sa paglipas ng panahon, sa hampas ng mga alon,” wika niya.

“’Oy, si Ate, nagiging makata!  Morbid na ‘yan, Ate!”  Pang-aalaska ng kapatid.

My American SpyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon