CHAPTER VII

86 7 0
                                    

 

“On your signal, Sir,” bulong sa kaniya ni Tom.

“Okay, let’s do this!”

Mabilis nilang tinungo ang kanilang kuarto.  Tatlong tauhan niya ang pumasok sa kuwartong inuukupa ng asset.  Dalawa naman sila ni Natalie ang pumasok sa kuwarto ng target.  Dadalhin nila ang mga ito sa magkahiwalay na lugar.  Maiiwan siya kasama ng target sa safehouse na nirentahan nila sa isang private beach resort.  Hindi pa man niya nakikita ang target, nakikini-kinita na niya ang dadanasin niyang hirap sa pagpapaliwanag dito kung bakit niya ito kailangang i-detain muna sa safehouse.

Nang makapasok na sila sa kuwarto at nakatunghay na siya sa porma ng taong nakahimlay sa kama, mabilis siyang napalingon kay Natalie.  “It’s a woman!  The target is a woman?”

“Yes,Sir!  Haven’t you looked at the print-outs I gave you?” Ang nagulat na bulong naman ni Natalie.

“Sh__!  Let’s just get on with this,” balik niya.

“It seems, you are not that so keen with your assignment, Sir!”

“I’ll take her now.  You take charge of her things.  Make sure you’ve got everything in the car.  You already know what to do next,” bilin niya sa babaeng ahente.

Mabilis niyang tinurukan ng pampatulog ang babae para hindi na siya mahirapan sa pagdala nito sa exit.  Automatiko namang inilapat ni Natalie ang elastic mask sa mukha ng babae para makopya ang facial features nito.

Ilang minuto pa, nalimas na ang mga gamit ng babae sa kuwarto at napalitan ng mga gamit ni Natalie, at karga-karga na ni Mac ito papunta sa sasakyan.  Ipinasok na rin ni Natalie ang mga gamit nito sa baggage compartment kasama ng backpack ni Mac.

Nang maisakay na niya ang babae, saka lang niya naalalang hindi pala niya ito napalitan ng suot na damit.  Medyo nalilis pataas ang nightdress na suot nito at naaninag niya sa mapusyaw na liwanag ng buwan ang makinis nitong hita.  Hindi pa niya natitingnang mabuti ang mukha nito dahil hindi niya binuksan ang ilaw ng kotse sa loob para hindi makatawag-pansin ninuman.

Minabuti na lamang niyang paandarin ang sasakyan nang makalayo na siya bago sumikat ang araw.  Kinumpirma na sa kaniya kanina ni Johnny na patungo na ang mga ito sa isa pang hide-out kasama ang asset ng mga terorista na dinukot naman ng mga ito.  Si Tom ang maiiwan na look-out sa seminar para na rin alalayan si Natalie.

Ilang oras bago pa mamukadkad ang liwayway, narrating na ni Mac ang private beach resort.  Tulog pa rin ang babae, epekto ng itinurok niyang gamut dito.  Natatakpan ng mahaba at alon-along buhok nito ang mukha ng babae pero hindi pa man niya nakikita ang mukha nito, hindi naman niya maiwasang mapahanga bilang kalahi ni Adam sa mahubog at makinis na katawang natatabingan lang ng manipis na nightdress.

Hinawi niya ang nakatakip na buhok sa mukha nito at napasinghap siya sa ganda ng babaeng kaniyang namasdan.  Kumabog bigla ang kaniyang dibdib.  Natural na manipis na parang kinudlit na kilay, mahahabang pilikmata, katamtamang taas ng ilong, divided lips and chin.  Sa pagkakahimbing, she looked very innocent.

Siya si Adams McJohnson, U. S, Navy Seal, Special Agent to the United Nations Peace Alliance Anti-Terrorism Corps.  Wala pa siyang kinanatatakutang misyon sa loob ng apat na taon niya bilang special agent at kahit noong sa seal pa siya.  Wala rin siyang pumalpak pang misyon.  Pero bakit ngayon, bigla siyang kinabahan?  Ipinilig ng binatang Amerikano ang ulo at pinangko na ang babae papasok sa bahay.  Hindi man lang siya pinagpawisan kahit kailangan niyang balansehin ang sarili para buksan ang pinto na hindi ibinababa ang karga-kargang babae.

Walang masyadong gamit sa loob, maliban sa maliit na sofa sa sala at telebisyon, kama sa kuwarto, ref na puno ng pagkain, mga de-lata at gamit pangluto sa kusina.  Pero kahit manatili sila roon ng dalawang linggo, hindi sila magugutom.  Pwede naman siyang magpadeliver sa mga kasamahan anuman ang kakailanganin nila na karagdagang supplies.

My American SpyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon