Kabanata 2: The Pity Human

1.5K 22 0
                                    

KIKO'S POV

HINDI nya alam ngunit noong narinig nya ang isang babae na may gusto sa kanya ang babaeng lagi nyang nakikitang nakatingin sa kanya at pagkuwa'y iiwas dahil sa napapatingin din sya ay hinahabol nya ngayon.

Hindi nya naintindihan ang sarili nya na nagpaalam sya sa mga kaibigan nya upang habulin ang babaeng ito.

Halos magkandadapa-dapa pa sya dahil sa bilis nitong tumakbo. Hindi naman nya ito matawag-tawag sa kadahilanang hindi nya alam ang pangalan nito.

NANG mahabol na nya ito ay hinawakan nya kaagad ito sa braso.

"Why did you leave her?" Tanong ko pag kaharap nya sa akin..

"K-kiko.." Narinig kong bulong nya. Napangiti sya sa kanyang isipan.

Hingal pa din sya sa habang kaharap nya ang babaeng hinahabol nya kanina lang.

Ngumiti ako sa kanya "Bakit mo hiniwan ang iyong kaibigan? Whoo!! Nakakapagod kang habulin.." Hingal ngunit nakangiting sabi nito. Seryoso ang muka ng babae na nakatingin sa kanya

"Hindi mo naman ako kailangan habulin ei. Tawagin mo lang ako at ako na mismo ang lalapit sayo.." Seryoso pa din ito. Umiling sya

"Baka mapagod ka lang ei.." Hindi na sya hingal ngunit nakangiti pa din nyang kinakausap ang babae.

Ngumiti ang babae ngunit tila tig-isang inch lang ang iginalaw ng kanyang mga labi.

"Okay lang na ako ang mapagod. Wag lang ang lalaking mahal ko. Ayokong napapagod ka ei.."

Nagulat sya sa sagot ng dalaga. Hindi nya ineexpect na iyon ang isasagot nya. Napakamot sya sa kanyang batok.

"Ehehe.." Medyo nailang sya sa sagot ng dalaga ngunit hindi nya ito pinahalata..

"Okay lang kahit mailang ka.. Naiintindihan kita.." Nakangiting sagot ng dalaga. Marahil ay ramdam nya na naiilang ang binata..

"Uhmm... Hindi, ano.. Ok lang.." Nakangiting sagot nya sa babae. Hindi nya maintindihan ang sarili nya.

Kumakabog ng mabilis ang puso nya. Malakas at mabilis..

Hindi sya tanga para hindi malaman kung ano ang ibig sabihin nun dahil dalawang beses na nya ito naramdaman..

Una ay kay Usha na may asawa na ngayon at pangalawa ay kay...

...kay Kye

Biglang may muka ng isang batang babae ang umukopado sa kanyang isipan. Ang masungit na muka nito, ang pag nguso nito..

Napangiti sya sa na isip nya..

Ang maarteng bratinelang iyon. Haay..

"Penny for your thought?" Napabalik sya sa reyalidad ng marinig may narinig syang boses.. Napalingon sya sa babaeng katabi nya sa ilalim ng puno..

Ngumiti sya sa babaeng katabi nya sabay kamot sa kanyang batok "Sorry.."

Pagkuwan ay nagkwentuhan na sila. Nagtawanan, nag asaran, nagkilitian.. Akala mo ay mga taong matagal ng magkakilala at unang tingin pa lamang ay aakalain mo nang sila ay magkasintahan..

"Talaga? Gusto ko ding makilala ang mama mo..!" Excited na sagot ni Kiko sa dalaga.. Nagliwanag naman ang muka ng dalaga..

"Talaga?! Wow! Paniguradong Magkakasundo kayo ni mama.. Haha!! Em so eksighted na tuloy.." Maarteng sabi nito kay Kiko..

Nagtawanan ulit sila. Balik sa ginagawa nila kanina..

SA DI KALAYUAN ay may dalawang pares ng mata ang nakatingin sa kanila. Mga matang hindi maalis sa kanila.

"Ok lang yan bro. Mamahalin ka rin nya ulit.." Pampalakas loob nya sa kanyang kapatid. Ngunit hindi natinag ang binata, bagkus ay mas lalo nya pa itong tinitigan..

Makikita mo sa mata ng binata ang sakit at pait na nararamdaman nya. Nagingilid din ang mga luha sa kanyang mga mata. Masakit iyon. Ang makita ang dating babaeng nagmahal sayo na hindi mo man lamang tinapunan ng interes, bagkus ay itinapon mo lang na kasama ang bagong lalaking nagpapasaya sa kanya. Panibagong lalaking minamahal nya ngayon..

Nakapasakit...

Sobrang sakit...

Samantalang ang babae naman ay hindi malalaman kung ano ang dapat maramdaman. Sakit at awa para sa kapatid o saya para sa kanyang matalik na kaibigan..

SAMANTALA, sa di kalayuan sa dalawang masayang nagkwekwentuhan ay may isang pares ng mata..

Mga nanlilisik at namumulang mata..

Ang mga matang umukupado sa isipan kanina ni Kiko..

"Ipapakilala pa man din kita kila mommy at daddy. Walang hiya kang dukhang pangit ka! Unggoy kang tunay!" May diin sa bawat salitang lumabas sa bibig nang dalaga..

Tumalikod sya sabay patak ng isang luha mula sa kanyang namumulang mata. Marahas nya itong pinunasan.

Naglakad sya papunta sa sasakyan nila. Pagkapasok nya ay pinaandar na nya ang sasakyan sa kanilang driver na si mang Tonyo..

Napatingin naman sa kanya ang lalaki. Mukang hindi ok ang prinsesa ng kanilang mansyon. At di sya sanay doon.

"Ayos lang ho ba kayo ma'am Kye?"

Ngunit hindi sya pinansin nito. Bagkus ay pumikit ito kasabay ng panibagong luha na kumawala sa kanyang mata. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na nya ito pinunasan. Hinayaan nya lamang itong tumulo kasunod ng isa pang luha..

Isa pa..

At isa pa..

Hanggang sa tuluyan na syang umiyak..

∽∽∽∽∽∽∽

TBC :)

mehehe :)

A Love Triangle Story (fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon