Epilouge

736 10 0
                                    

"ROCCO, sinungaling ka.."

"Rocco, bakit mo ko ginago..?"

"Rocco... Mahal kita pero ang sakit kasi... Sobrang sakit Rocco..."

"Rocco, bakit..?"

"bakit..?"

NAPABALIK sa realidad si Rocco ng makarinig sya ng kalampag ng mga susi.

"May bisita ka.." Sabi sa kanya ng isa sa mga pulis.

Tumayo sya at lumabas.

Trisha...

Ang babaeng mahal nya. Nagpakita nanaman ito sa kanyang panaginip.

Gabi-gabi sya nito dinadalaw. Nag-uumpisa ito sa masasaya nilang ginawa, noong magkasama pa sila..

Noong mahal pa nila ang isa't-isa..

Noong masaya pa sila..

Noong hindi nya pa nakilala si Hanoriko.

At pagkatapos ay iiyak si Trisha sabay bigkas sa mga salitang iyon habang umiiyak.

Alam nyang gago sya, pero hindi mawawala si Trisha kung hindi dahil kay Hanoriko. Ang hayop na yoon!

Nagtagis ang bagang nya sabay kuyom sa kanyang mga kamao.

"A-ate?" Nagulat sya ng makita ang kanyang Ate. Ngayon nya na lang kasi ulit ito nakita magmula noong aksidente sa kanilang beach house.

Napatayo ito at akmang lalapit ng mapaatras sya. Biglang namuo ang galit sa kanyang puso.

Alam ng Ate nya kung gaano nya kamahal si Trisha, pero pinagpilitan nito na mahalin si Hanoriko, kaya sya iniwan ni Trisha..

Sinamaan nya ito ng tingin..

"Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw nya.

"Rocco.." Pumiyok ang Ate nya ng tawagin ang kanyang pangalan.

"I missed you.." Malamlam ang mga mata nito

"Missed me? Ha!" Tumawa sya ng peke "Sana inisip mo na ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito at kung bakit mo ako namimiss.." Sarkastiko ang tono nito. Lalo na sa mga huli nitong sinabi.

Nagsimula ng umiyak ang ate nya sa kanyang harapan "So-sorry Rocco, sorry.." Paghingi nito ng tawad, ngunit umiling lamang sya sabay talikod dito

"Magmula noong inilapit mo ako sa kaibigan mo ay hindi na Ate ang turing ko sa iyo." Matabang na sabi nya

"Noong... Noong nakita natin si Bes na kasama si Kiko, bakit ka.. Bakit ka..."

"Bakit ako umiyak at tila nasasaktan?" Nagtagis ang mga bagang nito sabay harap sa Ate nya "Ate naman! Kakalibing lang noon ni Trisha! Malamang masakit pa sa akin yuon! Sya masaya na samantalang ako miserable pa din! Ate ang unfair nya!" Galit na sigaw nito sabay inilang hakbang ang pagitan nila ng kanyang Ste, ngunit bago sya makalapit ay may mga pulis na humawak sa kanya

"Alam mo kung sino ang totoong masama dito?" Nakangiti ito ngunit halata mong peke

"IKAW!" Nagulat si Sheila sa pagsigaw ng kanyang kapatid. Hindi agad pumasok sa kanyang isipan kung ano ang ibig sabihin ng kanyang kapatid.

Nang naintindihan na nya ang nais nitong ipahayag ay magsasalita sana sya, ngunit wala na ito sa kanyang harapan at nakikita nyang ipinapasok ito sa kanyang selda habang masama ang tingin sa kanya nito.

Tumalikod sya habang umiiyak pa din..

Masakit kasi..

Kasi...

A Love Triangle Story (fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon