Kabanata 4: The Broken wing

948 15 0
                                    

HANORIKO'S POV

"HOY BAKLA, magkwento ka nga jan.." Nagulat si Hanoriko ng may biglang humampas sa likod nya

"Aray huh! Grabiti ka manghampas!" Sabi nya. Inirapan nya ang kaibigan habang himas-himas ang likod nya

Umupo ang kaibigan nya sa kanyang tabi habang may malawak na ngiti sa kanyang mga labi. Batid nyang masaya ang kaibigan nya dahil sa pag habol sa kanya ni Kiko..

"Oy sabi ko magkwento kang bruha ka! Hindi titigan ako hanggang malusaw!" Sita nito sa kanya. Inirapan nya muli ito saka binuksan ang kanyang bibig

"Eeeeeiiiiii!!! Wait lang kinikilig akooooo!!" Tili ng best friend nya habang hinapampas-hampas sya nito. Hindi makapaniwalang tinignan nya ito.

"Teka! -Teka sabi! Wala pa nga ei. Nagaadik ka na ba Sheila?" Natatawang tanong nya habang inaawat ang kaibigan sa paghahampas sa kanya..

"Eeeeeeeiiiiiiii!!!! Kasi naman! Sino ba naman ang hindi kikiligin? Si fafa Kiko your labs kaya iyon! Grabiteh! Haba ng hair.." Eksaheradang sabi nito sabay haplos ng buhok nya hanggang sahig..

"Haba ng hair, nagrejoice ka ba girl~~~?" Kanta pa nito.

"Hindi ah! Loreal lang yan.." Sabay hawi ng buhok..

"Taraaay!!!! Hahahahahaha!!!!" Nagtawanan sila at pagkuwan ay nag apir pa.

Pagkatapos nilang tumawa ay inulit ng kanyang kaibigan ang gusto nyang marinig mula kay Hanoriko "Oh dali mag kwento ka na!!" Excited na sabi nito

"Ganto kasi yun.." Paninimula nya. Nangalumbaba ang kanyang kaibigan habang nakatingin sa kanya at may malawak na ngiti sa kanyang mga labi

"MALAPIT NA SI MA'AM!!!" Sigaw ng isa sa kanilang kaklase na galing sa labas ng kanilang silid aralan at nagmamadaling umupo.

Ngumiti si Hanoriko sabay taas baba ng kanyang balikat. Sinamaan naman sya ng kaibigan nya "May utang ka pa sa aking kwento.." Natawa sya sa kanyang kaibigang palihim na lumalabas

Senior na kasi ito at lagi sya nitong pinupuntahan sa kanyang silid aralan para makichismis.. Umuiling-iling syang tumingin sa kanilang teacher.

Nawala ang ngiti nya ng maalala nya ang kwentuhan nila ni Kiko kahapon.

May mahal ito at hindi sya iyon. Ano ang laban nya? May ipinakita pa itong larawan ng dalaga.

Halatang mas bata ang dalaga. idinadaan nya lamang sa tawa ang lahat upang hindi iyon mahalata ni Kiko. Masakit iyon sa kanya..

Naalala nya pa ang matatamis na sinabi ng binata patungkol sa dalagang nagngangalang Kye

"She broke my wing so I can't fly. Maybe because she's my sweetest downfall. But nevertheless, I never regret it. 'Cause I actually love it. I will court her and prove my love to her..." Para syang hiniwa. Pinagpira-piraso. Alam ng lalaki na may gusto sya dito pero eto't sinasabi nya na may mahal syang iba sa harap nya pa mismo. Hindi lang puso nya ang nadurog, kundi pati na din sya mismo!

At ang hindi aakalain ay ang sunod pang sinabi nito. Ang dumurog sa pagkatao nya ng pinong-pino. Mas pino pa sa buhangin sa Boraccay

"Maari mo ba akong tulungan na ligawan sya?"

Nakangiti ang lalaki. hindi nya alam ang sasabihin nya dahil tila ba'y nanuyo ang kanyang lalamunan. Lumunok sya sabay pikit matang tumango.

Naramdaman nyang niyakap sya ng lalaki "Salamat! Maraming maraming salamat!" Tuwang-tuwang sabi ng lalaki sa kanya.

'Pigilan mo Hanoriko. Kaylangan mong pigilan..' Pang aalo nya sa sarili nya. Pinipigilan nyang huwag bumagsak ang mga nagbabadyang luha sa kanyang mga mata.

A Love Triangle Story (fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon