Kabanata 14: Lost and found

607 15 2
                                    

MALALAKAS ang kabog ng kakilang mga puso habang binabaybay ang daan.

'Sabi po sa akin ni Rocco, dadalhin nya si Hanoriko once na pumayag si Bess. Ito po yung address. Susunod na lang ho ako.'

Umulit kay Aling Tere ang sinabi ni Sheila, ang kapatid ni Rocco na kaibigan ng kanyang anak. Tulo ng tulo ang kanyang luha habang hindi mapakali sa kanyang upuan

"Malapit na ba tayo?" Tanong nya kay Sab na nagmamaneho

"Oho Aling Tere, malapit na ho tayo. Kaonting tiis na lang ho.." Nakangiting sagot ni Sab.

"Wala na bang ibibilis ito? Anong oras tayo makakarating duon? Baka umalis sila kasi nalaman nilang pupunta tayo. Baka kung saan dalhin ng lalaking iyon ang anak ko?" Sunod-sunod na tanong ni Aling Tere.

"OMG!! Naaamoy ko na sya!" Tili ni Kye sa kanilang sasakyan. Hindi man nya maamoy ng maige dahil sa aircon ng kanilang sasakyan ay sigurado syang si Hanoriko ang naamoy nya.

Alam nya ang amoy nito noong nakita nya sila ni Kiko na masayang nag-uusap palabas ng kanilang paaralan.

"Right Dad! Right!" Tili ni Kye habang tinuturo ang daan kung saan nya naaamoy si Hanoriko. Sinunod naman iyon ni Sab

SAMANTALA sa likod ng kanilang sasakyan ay nakasunod ang isang Chevrolet na sports car.

"Sana makita natin ang anak ni Aling Tere noh?" Malungkot na pahayag ni Usha. Alam nya kung gaano kasakit ang mawalan ng kamag-anak dahil naranasan nya iyon ng mawala ang kanyang nanay.

"Don't worry too much. We'll gonna see her." Sagot ni Eos sabay hawak sa kamay ng asawa nya.

"But please give me babies.." Malambing na sabi nito. Pinagmulahan naman si Usha.

MALAYO PA LANG ay amoy na amoy na ni Kye ang ang aroma ni Hanoriko.

"OMG! May naaamoy akong kakaiba!" Tili ni Kye

Kinabahan naman si Aling Tere "A-no?"

"Amoy malansa. Parang.... dugo" Sa pagkasabi noon ni Kye ay napatingin sya kay Aling Tere

"Ka-kaninong d-du-go?" Tanong ni Aling Tere.

Umiling si Kye "Hindi ko po alam. Pero nasisigurado ko pong hindi iyon ka Hanoriko" Nakangiting sagot nya sa babae

Nakahinga naman ng maluwag si Aling Tere "Salamat sa Diyos" Pagsasalamat nya

Kinurot naman ng mahina ni Kiko ang tagiliran ni Kye "Ay! Ano ba?!" Tili ni kye.

"Pinakaba mo si Aling Tere doon ah.." Bulong ni Kiko sa kanya. Inirapan nya lang ito sabay sabing "Kaylangan mangiliti?" Inis na tanong nya. Natawa ng mahina si Kiko

"Ito naman, wag ka ng magalit.." Paglalambing ni Kiko "Babawi talaga ako sa iyo... Sa atin.." Nakangiting lambing ni Kiko. sabay akbay sa kanya. Pinagmulahan naman si Kye

"Hey! Anong ginagawa nyo jaan mga bata huh?" Nakangising tanong ni Sab

"Wala ho, nagpapalambing lang si Kye.." Sabi ni Kiko habang nakangiti. Bigla naman tinanggal ni Kye ang braso ni Kiko na nakapulupot sa balikat nya

"Ang kapal mong unggoy ka! Hindi ako nagpapalambing noh!" Sigaw ni Kye sabay hampas kay Kiko

"Aww.. Wag naman masyadong malakas.. Alam mo naman na.." Daing sa sakit na sabi ni Kiko. Hindi na tinuloy ni Kiko ang sasabihin nya dahil alam na nila yoon.

"Whatever! " Sabi ni Kye sabay irap

SA DI kalayuan ay may nakita silang babaeng nagdidilig ng mga halaman. Nakabestida ito at walang mababakas na kahit anong emosyon.

A Love Triangle Story (fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon