Kabanata 11: The Fight

534 10 2
                                    

TATLONG BUWAN na ngunit hindi nya pa din nakikita si Kiko. Halos araw-araw syang pumupunta sa bahay nila Kiko. muka na syang desperada. Lagi itong nasa tahanan nila Hanoriko.

"Shit! Ano ba kasing ginagawa nilang pamilya sa bahay ng bruhang iyon?!" Inis na tanong ni Kye sa kanyang sarili..

Wala nanaman kasi ito.

Bumuntong hininga sya.

"Umalis na tayo.." Nagsimula ng umandar ang sasakyan ng may makita syang isang pamilya na nalalakad na may kasamang babae.

"Stop the car!" Agad na sabi ni Kye

"P-po?" Nalilitong tanong nya. Paano ba naman ay nasa gitna sila ng kalsada tapos ay hihinto sila?

"I SAID, STOP THE CAR!!!" Sigaw ni Kye.

Nataranta naman ang lalake at dali-daling inihinto ang sasakyan na naging dahilan ng pag hinto ng ibang sasakyan sa likod nila

"Hoy! Andar na!!"

*BEEP BEEP!!*

"What the? Abante na!!"

*BEEP BEEEEEEEEEEEEEP!!*

"Hoy! Sinabi ng-"

"SHUT THE FUCK UP! MANAHIMIK NGA KAYO!" Parang kulog na sigaw ni Kye ng sya ay makababa sa sasakyan ..

Naiinis sya sa mga pumupitpit at sumisigaw na mga driver din sa likod nila .

Tinakbo ni Kye ang pagitan nila ng mga taong pinupuntahan nya araw-araw. 

"KIKO!!!"

Napalingon sila sa taong tumawag kay Kiko

"K-Kye..." Bulong ni Kiko..

Namiss na nya ang dalaga. Sa tatlong buwan na lumipas ay tanging si Kye lamang ang laman ng kanyang isip at puso.

Yes. Mahal nya ito pero kaylangan nyang panindigan ang kanyang desisyon. Nais nyang magpaliwanag kay Kye ngunit tuwing pinupuntahan nya ito tuwing gabi ay parang tumitiklop ang kanyang dila at ang tangi nya na lang nagagawa ay ang titigan ito mula sa malayo at pagkatapos ay...

Ay maglakad palayo sa kanya..

"Hi ate Kye!!" Kumaway ang mga kapatid ni Kiko.

"Oh, kye, iha. Kamusta? Kaytagal ka naming hindi nakita ah. Alam mo bang miss na miss ka na ng mga batang ito..." Sabay turo sa mga kapatid ni Kiko

"Pumupunta po ako sa inyo pero wala po kayo dun ei.." Nakangiting sabi nya.

"Ay nako, patawad huh? Lagi kasi kaming na kayla Hanoriko. Lagi kaming libre sa pagkain. Halos doon na nga kami tumira ei.." Ani nito sabay tingin kay Hanoriko na nakangiti lang

"Ahmm.. mama, una na po kayo. Mag-uusap lang po kami.." Sumunod naman ang pamilya nya.

KATAHIMIKAN ang namalagi ng umalis ang kamag-anak ni Kiko..

"Kiko, bakit?" Napatingin si Kiko kay Kye. Alam naman nya ang ibig sabihin ng tanong nya, ngunit tila ay nabobo sya at hindi alam ang dapat na isagot kay Kye

"Diba sinabi ko sayo na wag ka nang magpakita pa? Diba sinabi ko sayong lubayan mo na kami??!!!" Sigaw na tanong ni Hanoriko

Akmang sasagot na si Kye ng magsalita si Kiko "Wag kayong mag away dito sa daan. At please lang, pag-usapan na lang natin ito.." Nagmamakaawang sabi ni Kiko..

"Sige.. Mag-uusap 'tayo' Kiko.." sabay hablot sa braso ni Kiko

"Hindi pwedeng sumama sayo si Kiko ng hindi ako kasama" Sabat ni Hanoriko at hinila si Kiko sa kanya.

Mukang mauulit yung dati.. Piping usal ni Kiko..

"And why is that?" Mataray na tanong ni Kye

"'Cause I'm 'his GIRLFRIEND'" Sabi ni Hanoriko na may diin mga salitang sinabi..

"Whatever!" Sabay irap nito..

SAKAY SILA ng sasakyan nila Kye. Nakayakap si Hanoriko kay Kiko habang nakaakbay si Liko kay Hanoriko at nakasandal ang ulo ni Hanoriko sa dibdib nya.

Napairap si Kye sa nakikita nya sabay baling ng tingin sa labas..

Nasasaktan kasi sya.

OO! MASAKIT IYON KAY KYE!

Kung bakit? Siguro dahil sa kanyang pride?

O dahil sa...

Ibinaling ni Kye ang atensyon nya ng tuluyan sa labas.

SA ISANG bakanteng lote sila tumigil. Ikinataka naman iyon ni Kiko at Hanoriko

"Bakit tayo dito pumunta Kye?" Takang tanong ni Kiko sa dalaga.

"Para walang sagabal.." Sabay tingin ni Kye sa kanyang driver.. naintindihan naman iyon ni mang Tanyo kaya pumasok sya sa sasakyan..

"Now Kiko, bakit?" Tanong agad ni Kye ng makapasok si mang Tanyo

"Amm... Kye.. ano kasi ei-"

"We don't owe you an explanation. Kaya pwede tantanan mo na kami!" Inis na singit ni Hanoriko

"Can you please stop talking if your not whom I'm talking to? Singit ka ng singit! Muka ka ng singit, amoy singit ka din pati!" Inis na sabi ni Kye.

Namula naman sa galit si Hanoriko. Pero bigla itong ngumisi..

"Atleast I have Kiko. Eh ikaw, ano ang nasa iyo na pwede mong ipang-inggit sa akin? Huh?" Taas noong tanong nya. si Kye naman ang namula ang muka dahil sa galit..

"For sure ginayuma mo sya, you witch!" Sigaw ni Kye sabay turo sa kanya..

"Hindi ako witch! Ikaw ang witch! Nagtataka nga ako kung bakit ka nya niligawan noong una ei, baka ikaw ang nagkulam sa kanya?" Ganting sagot ni Hanoriko

"That's not true! Si Kiko ang unang nagsabi na mahal nya ako!!" Parang kulog na sigaw ni Kye na syang dahilan kung bakit umalog ang sasakyan at napatakip si Kiko ng kanyang tenga at medyo napagewang sya ng umalog ang lupa..

Ngunit si Hanoriko ay tila estatwa na hindi gumalaw. Ani mo'y wala lang sa kanya yung pag-alog ng lupa...

Dahil kay Hanoriko, isa lamang iyong simpleng sigaw!

"Kung mahal ka nya bakit ako ang girlfriend nya?! Bakit ako ang kasama nya?! Huh?! Huh?!" sigaw ni Hanoriko kay Kye

"'Cause you manipulated him! You put a spell or something so he will fall inlove with you! Ah! I remember! The day Kiko went to your house. That was your time to make him fall inlove with you!" Sabay turo pa sa kanya ni Kye.

"You wicked witch! Mas wicked ka pa kaysa sa stepmother ni Cinderella, sa stepmother ni snow white, kay Ursula, kay Morgana, kay gaston, and to all the villains in a movie!" Sigaw ni Kye.

*PAK*

Natulala si Kiko at Kye sa ginawa ni Hanoriko.

Dahil sa lakas ng sampal ni Hanoriko ay napalihis ang muka ni Kye at natatakpan na iyon ng kanyang maiksing buhok.

Napalunok si Kiko. Alam nyang hindi ordinaryo si Kye..

"Ha-hanoriko.." Tawag nya rito, pero tila ba'y isa itong bingi at hindi natinag..

"AKIN SI KIKOOOOOOO"

♥♡♥♡♥

TBC ;)

A Love Triangle Story (fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon