Kabanata 10: Kye

525 13 0
                                    

ALAS ONSE na ng gabi ngunit gising pa din si Kye..

Nakadungaw sya sa kanyang teresa habang nakatingin sa mga bituin. Walang mababakas na kahit anong emosyon, ngunit ang kanyang mga mata...

Ang kanyang mga mata ay nanatiling kulay dugo, apoy na lumiliyab..

Hindi maalis sa kanyang isipan ang sinabi ni Hanoriko noong nakaraang buwan.

"LUBAYAN MO si Kiko..." Hindi nakatinging pahayag ni Hanoriko sa kanya. Hindi ito nakatingin sa kanya, sapagka't sa kawalan ito nakatingin...

Kumunot ang kanyang mga kilay sa sinabi ng dalaga..

Anong karapatan nyang sabihin iyon sa kanya?

"I'm not going to follow you.." Walang gana nyang sagot..

"This is pure nonsense.. I'm going.." Akmang tatalikod sya ng magsalita muli ang dalagang kasama nya. Mga salitang yumanig ng kanyang mundo, nagpakulo ng kanyang dugo..

Ang nagpalabas ng mga pula at tila'y apoy na lumiliyab nyang mga mata..

"Kami na.."

NAPABALIK sya sa riyalidad ng makaramdam sya na para bang sya ay pinagmamasdan ng kung sino man na nasa paligid nya.

Nagpalinga-linga sya ngunit tanging kadiliman lamang ng gabi ang kanyang nakikita..

Nang napatingin sya sa kanyang baba ay agad syang nagulat. Isang bulto ng tao ang kanyang nakita. Hindi lang basta tao, dahil kilala nya ang tindig na iyon. Sa halos araw-araw nilang pagkikita..

Kilalang-kilala nya ito...

Si...

"Kiko..."

Naglakad paalis ang binata.. Gusto nya itong habulin, pigilan, at yakapin...

Ngunit biglang bumalik ang galit sa kanyang puso..

"Manloloko ka Kiko.." Usal nya.. Mabangis ang kanyang muka.

Biglang nagbago ang mabangis nyang muka ng isang nagtatakang ekspresyon..

"Bakit ka bumalik Kiko? Wala na si Usha, kaya imposibleng sya ang ipinunta mo dito.."

"Posible kaya...?" Nagtatakang tanong nya sa sarili nya.

Umiling sya sabay balik sa walang emosyon nyang muka..

"Imposible. Ipagsasabay nya kami ni Hanoriko? Malanding unggoy." Pagkuwan ay pumasok na sya sa kanyang silid..

TANGHALI NAGISING si Kye kakaisip sa nakita nya kagabi..

Gusto nya makausap si Kiko. Ang huli kasi nilang pag-uusap ay iyong pinili ni Kiko si Hanoriko kaysa sa kanya.

Pagkatapos noon ay hindi na nagatubili pa si Kiko na makausap sya..

Ni makita nga rin ay hindi..

Well, kung ayaw magpakita sa kanya ni Kiko?

Edi sya ang magpapakita kay Kiko..

"Dami kasing arte nito ni Kiko ei. Nagpapakachicks..." Inis na usal ni Kye habang sinusuklay ang kanyang maiksing buhok sa harap ng kanyang life size mirror...

"Good afternoon Mom, Dad.." Sabay halik sa magkabilang pisngi ng kanyang mommy Hani at daddy Sab.

"Mom, baka po malate ako mamaya.." Paalam nya sa kanyang ina..

"Bakit?" Tanong ng kanyang daddy Sab.

"Pupuntahan ko po si Kiko.." Magalang na sagot ng dalaga sa kanyang ama..

Ngumiti ito sa kanya sabay tango "Ok" Simpleng sagot ng kanyang ama. Ngumiti sya rito.

Alam naman nyang papayagan sya nito ei.

"Pero magsama ka ng guards huh? At wag masyadong late, ok?" Payo ng kanyang ina. Ngumiti sya sabay tango ng sunod-sunod..

"Thanks mom and dad! You guys are the bests!" Sabay yakap sa mga ito.

"Hala sige, at kumain ka na ulit. Malate ka pa nyan."

Sinunod naman nya ang kanyang ina at paglatapos ay nagpaalam na sya at umalis ng kanilang mansyon.

NAGMAMADALING lumabas si Kye sa St. Louise University.

Dumeretso sya sa parking lot ng nasabing paaralan.

"Mang Tanyo, pakibilis huh? Kila Kiko tayo.." Magalang nyang sabi sa lalaki na ikinagulat nito..

Himala at hindi nakabusangot ang muka nito ngayon at mukang excited na excited pumunta kayla Kiko..

"Opo ma'am Kye.." Agad nya itong sununod. Natatakot sya na kapag nagbabagal-bagal sya ay magalit ito at magbago ang mood nito..

"ANO HO?!" Tanong na sigaw ni Kye ng makarating sya sa kanyang pupuntahan..

"Oo. Kasama nga nya ang buong pamilya nya ei. Tapos may isa pang babaeng kaedaran nila ni Usha ang kamasa. Ang sabi ay girlfriend nya daw.." Paliwanag ng aleng pinagtanungan nya. Napabuntong hininga sya.

"Ah sige, maiwan na kita jan huh ineng? Magtatrabaho pa kasi ako sa palengke ei.." Tumango sya at nagpasalamat sa aleng pinagtanungan nya.

Umupo sya sa harapan ng bahay nila Kiko. Hihintayin nya na lamang na umuwi ang mga ito. Sabi din kasi ng ale ay kanina pa sila umalis. Mga isang oras bago sya dumating, kaya panigurado ay malapit na rin iyon umuwi..

Itinungo ni Kye ang kanyang ulo at pinaglaruan ang kanyang paa. Hindi nya pinapansin ang mga taong dumaraan at pinagtitinginan sya. Pinachichismisan na nga sya ei.

Isinunsob nya ang kanyang muka sa pagitan ng kanyang mga tuhod sabay yakap sa kanyang mga binti.

Pumikit sya panandalian....

"MA'AM KYE..."

"Ma'am Kye, umuwi na po tayo..."

Inangat ni Kye ang kanyang ulo.. Madilim na ang paligid nya "Hmm? Anong oras na ba?" Tanong nya. Nakatulog pala sya, ang sabi pa naman nya ay iidlip lamang sya.

"Alas otso na po.." Napabangon si Kye.

"What?!" sigaw nya

"h.. O-opo" Kinakabahan na sagot ni mang Tanyo

"And their still not here?!" Sigaw na tanong nya

"O-opo"

"Oo?!"

"A-ata.."

"Ata?!" Ulit nya sa mga sagot nito

"Ah.. Eh.. Ma'am, tinawagan na po ako ni Ma'am Hani, pinapauwi na po tayo..." Alinlangang sabi nito sa kanya..

Bumuntong hininga sya..

Bakit kaya ang tagal nila? Ano kaya ang ginagawa nila sa pamamahay ng bruhang iyon? Inis na piping usal ni Kye

"Ok. Let's go home.."

♡♡♡♡♡

TBC ;)

next na yung away nila..

A Love Triangle Story (fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon