Kabanata 1: The First Monster

2.4K 35 0
                                    

"SAB!!!!  BUMALIK KA DITONG BATA KAAAAAAAA!!!!!!"

Napabalikwas ng bangon si Aling Tere mula sa isang bangungot. Sinapo nya ang kanyang dibdib habang habol ang kanyang hininga..

Parang kahapon lang nangyari .. Piping usal nya..

"Mama~~" Napatingin si Aling Tere sa may pintuan kung nasaan ang anak nyang si Hanoriko. Napangiti sya. Si Hanoriko ang bunga ng mapait nyang kahapon, pero kahit na ganun ay mahal na mahal nya ang kanyang unika ija..

"Breakfast in bed?" Sabi pa nito sabay taas ng tray na may laman ng mga pagkain. Lalong lumawak ang kanyang ngiti.

"Salamat anak.. Oh! Papasok ka na diba?" Pasasalamat nito at pagkuwan ay pagtatanong nito. Ngumiti ang anak nya sabay tango "Opo ma." Magalang na sagot nito sa kanyang ina.

Si Hanoriko Mitsuki ay anak nya kay Timoteo. Ngunit ang alam ng kanyang anak ay hapon ang ama nya sa kadahilanang dating japayuki ang ina nya.

"Oh sige, kunin mo iyong pitaka ko sa bag ko jan sa likod ng pinto nakasabit" Sabi nito at inumpisahan ng kumain. Mabait si Hanoriko. Magalang, may takot sa Diyos, kahit na hindi ito binyag. Mapagmahal. Lahat na ng hinihingi ng isang magulang sa isang anak. Napaka sipag pa.

Umiling ang kanyang anak "Hindi na po. May natira pa naman po akong pera ei.." Napangiti ulit si Aling Tere

Napaka swerte ko sayo anak.. Mabuti na lamang at sa akin ka lumaki.. Piping usal nya.

"Oh sige. Pumasok ka na. Para makita mo na ang iyong manamahal na si Kiko"

"Ma naman!!" Ngumuso pa ito. Natawa ng mahina si Aling Tere. namula naman ang kanyang anak. Lumapit ito sa kanya "Sige po ma. Basta pag kinasal na kami ni Kiko ay dito kami titira para makasama at maalagaan pa kita" Nakangiting sabi nito pag katapos ay humalik ito sa kanyang pisngi.

"Hindi mo pa nga kasintahan, asawa agad? Ligawan mo muna." Mapang asar na sabi nito.

"Hmp ka Ma!" Sabi nito sabay cross arms. Napangiti ulit si aling Tere. Lagi talaga sya nito napapangiti.

"Sige po Ma. Alis na ko. Byeee~~~"

†∽†∽†∽†∽

Hanoriko's POV

"Bes, matunaw yan huh.." Napabalik sya sa realidad ng marinig nya ang kanyang kaibigan na si Sheila na nagsalita

Inirapan nya ang kanyang kaibigan. napailing naman ito.

"May practice kami mamaya kaya di ako makakasabay sayo.." Napanguso naman si Hanoriko sa sinabi ng kaibigan. Swimmer kasi ang kanyang kaibigan.

"Beyen! Anong oras matatapos practice nyo" Kunwaring nagtatampong tanong nya. Napangiti naman ang kaibigan nya. Para kasi itong bata..

"The usual, 9:00 pm." Simpleng sagot nito sabay bikit balikat. Lalong napanguso si Hanoriko.

Maya-maya ay biglang natahimik ang buong canteen nila. Nagkatinginan sila "Kapag may katahimikan, may nagbibigay sa kanya" Panimula ng kaibigan nyang si Sheila 

"St pag may magbibigay sa kanya ay paniguradong may mapapatay nanaman ako.." Inis na sabi nito. Sabay nilang tinignan ang pinagtitinginan ng mga tao sa canteen.

Isang babaeng nakapigtail ang may hawak na isang box ng tsokolate na inaabot sa lalaking mahal nya.

Si Kiko..

Napakunot ang kilay nya ng makitang nakangiti si Kiko sabay abot ng tsokolateng inaabot ng babaeng iyon.

"Tsk. Tsk. Ayaw pa kasi umamin ei. Yan tuloy naunahan ka na." Narinig nyang sabi ng kaibigan nya. Napabuntong hininga sya. Totoo kasi.

"Hoy bakla, tara na. Malalate na tayo. Mamaya mo na titigan yang Kiko your labs" Gulat na napatingin sya sa kaibigan nya. Kumabog ng malakas at mabilis ang kanyang dibdib. Pagkuwan ay tinitigan nya ang buong canteen..

Dahan-dahan...

Marahan...

At hindi nga sya nagkakamali sapagkat nakatingin sa kanila ang lahat ng tao!!

Pati si Kiko!

Tinignan nya ng masama ang kanyang kaibigan..

"S-sorry bes.." May sinseridad sa muka nito pero napahiya sya! Sa harap ng maraming tao!!!

Sa harap ni Kiko!

Nagmadali syang tumakbo palabas ng canteen. Alam nyang hindi sya nito susundan dahil baka masaktan nya ito. Magpapalamig lamang sya..

Nagulat sya ng may kamay na humawak sa kanyang siko. Pagkalingon nya ay ganun na lamang ang gulat nya.

"Why did you leave her?"

"K-kiko.." Bulong nya

♥♥♥♥♥

sana nagustuhan nyo.. #Harthart.. haha..

PS. ang form ng pag susulat ko po dito ay katulad sa pinakamamahal kong author, si mommy Bee! Hehe.. I'm telling the truth po.. Yun lang..

PPS: I'VE CHANGED THE NAME OF HANORIKO'S BEST FRIEND DUE TO THE ERROR OF SOMETHING. WAG NYO NG ITANONG. PERSONAL PO MASYADOOOOOO~~

A Love Triangle Story (fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon