Kabanata 9: The Changes

606 10 1
                                    

"People don't really change. They just showing their other side that you haven't seen since you met that person."

-Hanoriko

†~†~†~†

MABILIS NA lumipas ang mga araw at ang araw ay naging linggo at ang linggo ay naging buwan...

MAGAKAHAWAK kamay sila Hanoriko at Kiko na pumasok sa kanilang paaralan. Kakasagot lamang ni Hanoriko kay Kiko.

Gulo man ang isip ngunit tinanggap nya si Kiko. Ang alam nya ay si Kye ang mahal nito. Napag-alaman din nya na nagsolo na ng bahay sila Eos at Usha..

Nakangiti nilang sinalubong ang mga kapwa estudyante sa loob ng nasabing paaralan..

"Ang landi nya grabe.."

"Akala mo kung sinong mahinhin, malandi din pala.."

"Simpleng landi.. Tatahi-tahimik nasa loob pala ang kulo.."

Iyan ang mga naririnig nilang mga pinaparinig ng mga babaeng may gusto kay Kiko. Hinigpitan ni Kiko ang pagkakahawak sa kanyang kamay. Tinitigan nya ito sabay ngiti..

"Grabe tignan mo oh! Bagay na bagay sila.."

"Mas bet ko sila kaysa dun sa bratinellang nililigawan dati ni Kiko.."

"Tama. Mabait si Hanoriko at hindi salbahe. Hindi tulad noong.... si Kye ba iyun?"

Syempre kung mayroong ayaw ay meron din namang mayroong gusto.

Lumawak ang ngiti nya.

She's a one lucky lady, indeed..

"WATCH where your going nga! Stupid!" Pagkuwan ay tinulak nya ang babaeng nakabunggo sa kanya..

"S-sorry..." Nakayukong paghingi ng tawad ng babae..

Walang lingong umalis si Kye...

Nagkatinginan ang kanyang dalawang kaibigan.

Hindi nila alam kung bakit sobrang init ng ulo ni Kye nitong nakaraang buwan. Ani mo'y araw-araw ang dalaw nito.

NAKAKUNOT ang mga kilay ni Kye habang naglalakad na pamartsa..

ang sarap nilang patayiiiiiiiin!!! piping usal nya.. gigil na gigil ito sa hawak nyang coke in can. sira na nga iyon at natapon lang ang laman at nasayang dahil sa panggigigil ni Kye..

may best friend best friend pa silang nalalaman! ku! kung alam ko lang ay pinagsasabay kami ni Kiko na yun! peste sya! peste silang dalalawa!!! piping sigaw ni Kye..

"AAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!" At hindi na nga nya napigilan ang sarili kaya tuluyan na syang sumigaw..

"WALANG HIYA KA KIKOOOOOOO!!!! PAPATAYIN KITAAAAAAA!!! AKALA KO MINAHAL MO TALAGA AKO! SINUNGALING KANG UNGGOY KA! UNGGOY KANG TUNAY! PAKING TAPE KAAAAAAAAAAA!!!" galit na sigaw ni Kye, kasabay ng pagragasa ng mga luha na di maintindihan sa pag-uunahang bumagsak mula sa kanyang mga mata..

mahigpit syang humawak sa riles sa kanilang rooftop "MANLOLOKO KAAAAAA!! SABI MO AKO ANG MAHAL MO! SABI MO PAPATUNAYAN MO NA MALI ANG AKALA KONG KAYA MO AKO NILILIGAWAN AY SA KADAHILANANH HINDI KA SINAGOT NI USHA! NA GANDA, KATAWAN AT PERA KO LANG ANG HABOL MO! na... na..." hindi na napigilan ni Kye at napahagulgol na lamang sya..

napaupo sya habang sapo-sapo ang kanyang muka ng kanyang dalawang kamay.

"sabi mo mahal mo ko... sabi mo ako lang... bakit ngayon, ibang kamay na ang hinahawakan mo? dati sabi mo kamay ko lang ang gusto mong hawakan.." ngawa nito.

mabuti na lamang at nasa rooftop sya ng kanilang eskwelahan..

"sabi mo pa nga noon ay ginawa ang kamay mo para sa akin. you said that our hands are perfectly made for each other... bakit..." sabay singhot

"bakit mo ko binitawan?" tanong nya sa sarili nya.

"magsisisi ka at hindi ako ang inuna mo! magsisisi ka Kiko.. papahirapan kita!" nagbago ang hitsura ng kanyang muka habang sya ay nagbabanta. panay pa din ang tulo ng kanyang mga luha. hindi na sya nag-abalang punasan iyon dahil alam nya na tutulo at tutulo pa din ang mga luhang iyon..

pumikit si Kye. sa pagdilat ng kanyang mga mata ay nagbago ang kulay nito. naging pula. pula na ani mo'y apoy na nagbabaga..

"maghanda ka Kiko. dahil simula ngayon. pagsisisihan mo na, na sya ang inuna mo at hindi ako. na sya ang pinili mo at hindi ako. pagsisisihan mo to Kiko. magsisisi ka!!" pagbabanta ng dalaga na masamang nakatingin sa kawalan...

"MALAPIT na ang graduation natin Kiko.. anong plano mo?" masayang tanong ng dalaga.. nagtaas baba lamang sya ng kanyang balikat.

bakasandal ang ulo ng dalaga sa kanyang dibdib. nakahiga sila sa kama ng dalaga habang nanonood ng nakakatakot na palabas.

yumakap sa kanya ang dalaga "bakit hindi mo alam? diba dapat ay pinaplano mo na ang future mo? para makatulong ka sa pamilya mo.." mabait talaga ang dalaga.

hindi mahirap mahalin si Hanoriko. kaya hindi malaman bi Kiko kung bakit kaylangan pa syang saktan ng binatang kanyang minahal noon..

AT SA TOTOO lang din ay wala sa silid na iyon ang kanyang utak. lumipad papunta kay Kye. nag iisip sya kung paano sya magpapaliwanag kay Kye. kung paniniwalaan pa ba sya nito?

marahil ay hindi na. marahil nga ngayon mismo ay sinusumpa na sya nito.

sinaktan nya ang babaeng mahal nya. mas inuna nya ang iba kaysa sa babaeng mahal nya.

ngayon ang kinukwestiyon na nya ang sarili nyang desisyon.

tama ba itong ginagawa ko?

piping tanong nya

"hey Kiko! lumilipad nanaman ang isip mo.. haaay.." sabi ng babaeng katabi nya.

"sorry.. pinaplano ko lang ang future ko. katulad nga ng sinabi mo.." pagsisinungaling nya dito. ayaw man ay napilitan sya sa kadahilanang ayaw na nyang masaktan pa ang babae.

parang gusto nyang makita ang mga tunay na ngiti ng dalaga.. sa mga nabasa nyang sulat, alam nyang nagdusa ito ng sobra..

hindi katulad nya..

Kye, patawad. mahal kita pero hindi naman masamang gustuhin kong makitang masaya ang aking kaibigan, hindi ba? pero tandaan mo ito. mahal kita at babalikan kita. mahal na mahal kita Kye... piping usal ni Kiko..

♥♡♥♡♥♡

TBC ;)

A Love Triangle Story (fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon