Kaya't pipikit na lang

14 0 0
                                    

Meron akong nais ipahatid,
ibubulong ko ba sa hangin,
madinig mo sana ang aking hiling,
ibaling sakin kahit saglit ang y'ong tingin.



Para kang isang awitin,
paulit ulit sa aking isip,
'di namamalayan akoy napapangiti,
isipin ka lng akoy kinikilig.




Hindi alintana na di kita kasama,
makausap ka lang ay sapat na,
mas lalo pa siguro kung ika'y makita,
sa isip ko pa lang, o anong saya.



Kahit alam kong magkaiba tayo ng mundo,
gayun din s pananaw at perspektibo,
di ito dahilan upang iwasan ko,
ang mga munting ligayang dulot mo.


Gagawan kita ng tula,
laman ang aking nadarama,
sa iba man itoy nakakasawa,
nais ko lang ialay sayo ang aking likha.



Inspirasyon ko upang sumulat,
ng mga letra na nglalahad,
ng tunay kong nadarama kahit pa,
walang malinaw na dahilan at nakapagtataka,


Kayat pipikit nalang muna,
mga matang ang nais ay matanaw ka,
iintayin ang pagkakataon na masilayan ka,
sa ngayon para sakin ito'y sapat na.

-A.g




tagalog poetry (Tila isang tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon