Yung tanong na bakit at pano,
noong sinabi ko na mahal kita,
nakaka gulat ba at nakapagtataka?
siguro nga tama ka.Pero pakinggan mo muna sana
kung ang pangangatwiran ko ay di mapagkakatiwalaan,
d lang nman kasi ito base sa nararamdaman,
yung tanong na bakit at pano kita mahal.Una sa lahat wala dapat rason ang pagmamahal,
di namn kasi ako naniniwala sa falling in love,
bakit? kasi walang ganun,
d pwede na dahil lng may spark mahal mo na yung tao.Pero ang pinapaniwalaan ko eh iba,
yung magmahal sa kabila ng lahat,
yung desisyon na mananaig kahit ano ang iharap,
yung pagibig na di lang dahil sa bugso ng nararamdaman,yun ang pinapaniwalaan ko,
walang haba o konti ng oras ang magiging basehan,
para masabi na mahal ko yung tao
desisyon ko lng yun.Mula sa isipan ko na gumagabay sa puso,
di dahil sa puso na biglang tumibok,
nung nadinig ko yung boses mo,
o dahil lng sa pisikal mo.Mahal kita kasi gusto kitang mahalin,
kaya sana wag mo akong tanungin,
di ko naman hihilingin,
na ang pagmamahal ko sayo eh,suklian mo din.Kaunti lang ang oras at pagkakataon,
na binibigay ng tadhana para umibig ng buo,
kahit na ano ang estado at kalagayan ng tao,
basta ang alam ko magmamahal ako.-A.g.
BINABASA MO ANG
tagalog poetry (Tila isang tula)
Poetryhinugot sa baul ni lola basyang mula s lahi ng makata pero syempre joke lng yun kunyare lang tula yung mga ginagawa ko basa lng pag may time yung my gusto malay nyo makarelate kayo p.s. pag may mga mali o may mga salita n di magets just comment...