Isang bagay ang nais kong iparating
umpisahan natin ang aking sasabihin,
may mga taong di nawawala sa ating isipan,
at tinatanong natin kung ano ang kahulugan.Madalas sinisisi natin ang ating damdamin,
o di kya naman ang ating pagtingin,
mapa galit poot o isang paghanga at pagibig,
pangangatwiran natin laging dinidiin.Ngunit ni minsan sa hinagap natin ni hindi humaging,
na tayo mismo ang dahilan kung bat nanatili,
mga taong walang alam na tumatakbo sa isip,
tunay na tanong ayaw nga ba mawala o pagbitiw ayaw lang natin.May mga magandang ala ala o pait na dala,
may mga kakaibang saya o d maipaliwanag n pagdurusa,
sa pananatili mo s ganitong pananaw lugi ka,
d mo namamalayan lumipas ang oras at nasayang na pala.Ito naman ay akin lamang palagay,
isang hinuha sa lawa ng mga bagay bagay,
dahil minsan ako rin nama'y di mapalagay,
ayaw nga ba o sadyang ako ang ayaw mgbigay.
BINABASA MO ANG
tagalog poetry (Tila isang tula)
Poetryhinugot sa baul ni lola basyang mula s lahi ng makata pero syempre joke lng yun kunyare lang tula yung mga ginagawa ko basa lng pag may time yung my gusto malay nyo makarelate kayo p.s. pag may mga mali o may mga salita n di magets just comment...