Maari mo ba akong sabihan
Kung nararapat bang ipaglaban
Upang makapag desisyon ng lubusanLahat ay maiaayos ng tamang oras
Mula sa mga alon na nglalakihan
Nabubuo ang kalmadong isipanPaano ko susubukang iwasan
Ang dilim ng aking nakaraan
Gayong hinahabol ako at pinahihirapanAt paano ko itatago
Kung sa bawat oras at tibok ng puso
Ay ikaw ang nasa isip koMatatapos rin ang taglagas
At sisibol ang buhay na wagas
At lahat ay maiaayos ng orasBanayad na hangin ihahabilin
Lahat ng aking damdamin
Upang madama mo na ika'y iniibig.
BINABASA MO ANG
tagalog poetry (Tila isang tula)
Poetryhinugot sa baul ni lola basyang mula s lahi ng makata pero syempre joke lng yun kunyare lang tula yung mga ginagawa ko basa lng pag may time yung my gusto malay nyo makarelate kayo p.s. pag may mga mali o may mga salita n di magets just comment...