Walang Dahilan

4 0 0
                                    

Di kailngang ipilit,
ang mga bagay n di para sakin,
ngunit ano ang dapat piliin,
sabihin ang totoo o itago ang lihim.




Alam ko n pwedeng mauwi sa pagkabigo,
ngunit mahirap masaktan ng patago,
sa mga desisyon na pwede namang wag ng itago,
ang kailngan lang gawin ay wag mgpaka bobo.



Isiwalat ang laman ng puso,
wag intindihin sasabihin ng ibang tao,
mas marapat pa din magpakatotoo,
dahil mahirap magsisi sa dulo.



Gagawin ko and dapat para saking sarili,
mas mabuti ito kaysa magsisi,
yung tipong masasayang yung dapat nakamit,
kung tunay na nararamdaman ay di sinabi.



Mas mainam mabigo at masaktan,
kung ang katotohanan ay nsabi ko naman,
kaysa sarili'y lihim kong sinasaktan,
at nagkukulong sa sariling kahibangan.




Pagmamahal ay walang limitasyon,
pagibig sa isang tao'y d kailngang may rason,
pagkat magmahal ay isang desisyon,
paninindigan sa habang panahon.




Sa tula kong ito ang sinasabi ko,
na ang desisyon ay nasa pagpili ng tao,
parehong may sakit na dulot ang mga ito,
ngunit ano ang pipiliin mo?


Masaktan ng lihim dahil s takot mo,
o piliing masaktan parin dahil sa pagpapakatotoo?
Sa kaunting oras na magmamahal tayo
ano ba ang karapatdapat, ano sa palagay mo?



tagalog poetry (Tila isang tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon