Sapantaha

1 0 0
                                    

Bakit ang tamis ng pangalan ko nung sinambit mo,
at napapitlag ang natutulog kong puso,
tila musika na kay ganda,
nakapagtataka ang nadama.




Imahinasyong bunga ng matagal n pananahimik,
kakatwang isipin na my ganitong dadanasin,
alam kong mali kaya dapat pigilin,
balikan and dating kinasanayan,
sarili ang nag payo na hwag nang patulan.



Kathang isip, malinaw n sagot s tanong ng sarili,
pagkasabik resulta ng panaginip,
di dapat maniwala sapagkat my mali,
sa mga biglaang bagay wag ka munang iimik.




Di dapat padala s reaksyon ng kilig,
mga bagay n malinaw ang dapat piliin,
di lahat ng tama ay madali,
lumilipas din ang pansamantalang damdamin.



Bilis ng pagdating ganun din ang pag alis,
aking pananahimik gusto kong ibalik,
magkulong sa loob ng apat nasulok
na pader na matagal kong tinayo at nililok,


Mula s inipong pundasyon dala ng sakit ng kahapon,
mga pirasong bahagi ng bawat tagpo,
nararapat na ingatan mabuti ang pagod n puso,
sa mga imahinsyong di alam san tutungo.
-A.g

tagalog poetry (Tila isang tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon