Kapag dumating ang puntong nahulog ako
hindi ko sasabihin,At kahit pa mahalata mo ito
di ko aaminin,Sapat na sakin na Mahal kita sa may distansya,
kahit sabihin pa na meron tayong pag asa,Kuntento na akong kapiling ka
karamay at kasangga,Di matutumbasan ang halaga mo,
Di mababayaran ang meron tayo,
Sa harap ko ikaw ay nagpapakatotoo,
at ganun din naman ako sayo,Ayokong Masira ang pinagsamahan natin,
kung sakaling asamin Kong higitan pagkakaibagan natin,
Ayokong umabot sa pagkalito,
At ang ating isipan ay biglang gumulo,Masaya na akong mahalin ka sa malayo,
Magaan dalhin at malaya tayo,
Hindi kita iiwan kahit bumagyo,
Kasi nga kampi tayo.
BINABASA MO ANG
tagalog poetry (Tila isang tula)
Poetryhinugot sa baul ni lola basyang mula s lahi ng makata pero syempre joke lng yun kunyare lang tula yung mga ginagawa ko basa lng pag may time yung my gusto malay nyo makarelate kayo p.s. pag may mga mali o may mga salita n di magets just comment...