Sa mundong aking ginagalawan
May mga patakaran
Hustisya s bawat kaganapan
Ligaya sa mga kalungkutanMga salitang hinugot sa baul
Di masasabing langit ay laging asul
Madaming kulay ang meron sa mundo
May mga kulay n nakikita lamang sa isang segundoKaya't antabayanan mo ang mga ito
Dahil s isang iglap pwedeng silang maglaho
Katulad ng dagat na umaalon
Minsan malakas minsan mahinahonBiyaya ang buhay na ating ginugugol
Sa pagibig sa kapwa ligaya ang dulot
Gawin ang nais mga ikaliligaya mo
Tatandaan mo lamang ang sukli sa mga itoMy panahon s mga bagay kahit ma ano
Mapasaya, lungkot o paninibugho
Natural ang makaramdam ng ganito
Katunayan na tayo ay TaoNgunit sa lahat ng mga ito
Sa labis na lungkot o saya na mararanasan mo
Pahalagahan mo ang bawat minuto
Sapagkat minsan lang tayo mabubuhay sa mundo.
BINABASA MO ANG
tagalog poetry (Tila isang tula)
Poetryhinugot sa baul ni lola basyang mula s lahi ng makata pero syempre joke lng yun kunyare lang tula yung mga ginagawa ko basa lng pag may time yung my gusto malay nyo makarelate kayo p.s. pag may mga mali o may mga salita n di magets just comment...