Sa istorya na tumatakbo sa isipan ko,
ikaw ay nadito kasama ko,
hawak ko mga kamay mo,
habang nakatitig sayo.Mata mong nakangiti,
may kislap na kay rikit,
mundo'y huminto sa pagpihit,
oras ay tila tumigil.Kayang abutin ang mga bitwin,
basta ikaw ang kapiling,
gabi'y hindi magdidilim,
dahil sayong ningning.Para satin ang mundong ito,
binuo ng utak ko,
sa istoryang ito,
posible ang tayo.Walang hahadlang kahit bagyo,
dumaan man ang unos ikaw at ako,
aabot sa dulo pangako sayo,
kundi magigising sa panaginip na 'to.Ngunit sa istorya ng totoong buhay,
kay hirap umasa ng tunay,
mahirap ipilit ang isang bagay,
utak ang sa puso'y dapat gumabay.
BINABASA MO ANG
tagalog poetry (Tila isang tula)
Poetryhinugot sa baul ni lola basyang mula s lahi ng makata pero syempre joke lng yun kunyare lang tula yung mga ginagawa ko basa lng pag may time yung my gusto malay nyo makarelate kayo p.s. pag may mga mali o may mga salita n di magets just comment...