Chapter 1

21 3 0
                                    

Hugis triangle at may mata sa gitna,yan ang tattoo ng mga bampirang pumatay sa papa ko.Noong gabing yun habang pinapahirapan siya bago pinatay,wala akong nagawa.Nakatingin lang ako sa kaniya habang unti-unti siyang nalagutan ng hininga sa harapan ko.Bawat araw na lumilipas,lagi kong sinisisi ang sarili ko na sana tinulungan ko siya pero hindi ko alam kung pano dahil nadadala ako ng takot.

Isang buwan na ang lumipas magmula nang mawala ang papa ko.Noong una napakahirap kasi hindi ko alam kung paano sisimulan uli ang mamuhay ng wala siya.

"Aalis ka ineng?" tanong ng kapit-bahay namin na si Lola bilen.

"Ah opo,may mga aayusin lang po ko." sabi ko at wala akong plano na sabihin sa kaniya ang tungkol sa pag-alis ko.

"Mag-iingat ka ineng at sana itong pag-alis mo ay walang kinalaman sa nangyare sa iyong ama." nag-aalalang sabi ni lola sabay alis.

Alam ni lola bilen ang tungkol sa mga bampira at kung ano ang nangyari sa aking ama.

Pagtapos kong mag-impake ng mga gamit na kakailanganin ko ay umalis agad ako upang puntahan ang taong makakatulong sakin para makapunta sa mundo ng mga bampira.Si Tandang tasyo,siya ay nakatira sa gitna ng bundok at para siyang matandang ermitanyo.Alam ni tanda kung paano makakapasok sa mundo ng mga pambira kaya siya ang nilapitan ko.

"Hindi ko inaasahan na darating ka pa batang Zaphirah,at kung ako ang nasa kalagayan mo ay hindi ko na ito itutuloy.Hindi mo alam kung ano ang magiging kinahihinatnan mo sa mundo nila." seryosong sabi niya.

"Hindi ako nandito para paalalahanan mo tanda,naparito ako dahil kailangan kong makapasok sa lagusan at para magawa iyon ay kailangan ko ang tulong mo." naiirita na sabi ko.

Kahit na kinakabahan ako ay hindi parin ako aatras dahil ito nalang ang tanging magagawa ko para sa aking ama na namayapa.

"Pinaaalalahanan lang kita bata upang hindi ka magsisi sa huli pero kung hindi na magbabago ang isip mo ay sige,pumapayag na ko sa nais mo."

"Salamat kung ganoon ngunit gaano katagal akong maghihintay?" tanong ko.

"Dahil kabilugan ng buwan ngayon,kailangan nating mag-antay ng pagpatak nang alas-dose ey media ng gabi at doon sisimulan ang ritwal upang mabuksan ang lagusan" sabi niya habang patuloy sa paghahalo ng mga dahon na pinong-pino.

Habang naghihintay kami ay nagdadasal ako na kung mamamatay man ako sa mundo ng mga bampira ay nawa'y ang aking pagkamatay ay may mabuting naidulot sa aking misyon.

Pumatak ang alas-dose ey media ay nagsimula nang gawin ni tanda ang ritwal.May binabanggit siya na iba't-ibang lenggwahe na hindi ko maintindihan.
Makalipas ang mataimtim na pagsasagawa ng ritwal ay biglang lumiwanag at may portal.Ito na siguro ang lagusan papasok.

"Salamat tanda" sensirong sabi ko.

"Walang anuman batang Zaphirah nawa'y basbasan ka saiyong paglalakbay at nawa'y makamit mo ang iyong pakay.Heto tanggapin mo,yan ay isang uri nang halaman na nakakapagbago ng isang tao upang maging isang ganap na bampira.Ipahid mo iyan sa iyong buong katawan upang ikaw ay maging katulad nila at para narin ang iyong masaganang dugo ay hindi nila maamoy.Sa oras na iyan ay maubos,iyon ang magiging hudyat na kailangan mo nang bumalik dito sa ating mundo." mahabang litanya niya.

Fall to his armTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon