It's been a week since the party happened,at hindi ko na ulit nakita si Zeiryl.Hindi naman sa ini-expect ko siya na pumunta sa bahay,pero nakakapagtaka lang.
"Zaphirah!halina't kakain na tayo." dinig kong sabi ni Aling Rosa mula sa kusina.
"Ito na po,papunta na." mahinahong sabi ko.
Ang bahay ni Aling Rosa ay gawa sa kahoy,pagkapasok mo agad mula sa pintuan ay makikita mo na agad ang sala na papuntang kusina at ang hagdanan paakyat sa mga kuwarto.Napaka-simple ng bahay na katulad sa mga makikita sa mga probinsya.
"Zaphirah anong tinatayo mo pa riyan?halina't lumalamig na ang pagkain." Sabi niya habang nag-aayos ng plato.
"Iniisip ko lang po kung ano nangyari sa kasiyahan pagkatapos po ng pagkaalis natin." pakatotoong sabi ko.
Natigilan si Aling Rosa dahil sa sinabi ko.
"Walang nakakaalam kung ano nangyayari sa loob ng palasyo,kaya huwag kana uli magtanong nang tungkol sa anumang nasa loob ng palasyo." seryosong sabi niya.
Hindi ko alam kung bakit ganun ang naging reaksyon ni Aling Rosa sa sinabi ko pero kung ano man yun,alam kong para ito sa kapakanan namin.
"O-Opo."
Iyon na lamang ang nasabi ko.At ayoko na ulit magtanong dahil baka magalit si Aling Rosa sa'kin.Para ko narin siyang nanay.
'Hayyy dapat pala bago ako pumasok dito dumalaw muna ako kay mama.' sabi ko sa isip ko.
Pagkatapos namin kumain,hindi ko na uli nakita si Aling Rosa.Baka may importanteng lakad.Kaya naman napag-disesyunan kong maglakad-lakad,maganda rin naman ang sikat ng araw ngayon.Bago tuluyang umalis ay sinarado ko muna ang lahat ng maaaring maging sanhi ng aksidente.
Pagkalabas ko ng pintuan ay nakita ko ang likod ng isang makisig na binata,na parang tanga na nag-sasalita mag-isa.
"Ehem!Pasensiya na sa ina--hindi mali haist!" Sabay kamot sa kaniyang batok.
Ano na naman kayang trip nito?
"Ipagpaumanhin mo--"
Pagkasabi niya ay bigla siyang humarap na naging mitya ng kaniyang pagkagulat.
"Oa masyado." sabay rolled eyes.
Napatigil ako nang mapagtanto ang sinabi ko.
"O-Oa?Ano yun?ngayon ko lang narinig ang salitang yan." kuryusong sabi niya.
"H-Hindi wala,ano nga pala ang ginagawa mo dito?" pag-iiba ko ng usapan.
"Ahh gusto ko sanang humingi ng paumanhin sa nangyari sa kasiyahan." nahihiyang sabi niya.
Nahihiya rin pala ang isang ito?Hindi halata sa mukha ah.
"Nako wala na yun,kalimutan na natin yun.Masaya ako kasi nakasama ako sa ganoong kasiyahan." sabi ko sabay pakawala ng matamis na ngiti.
"Oum,mukhang may pupuntahan ka.Maaari bang sumama sa'yo?" Nakangiting sabi niya.
Sino ba naman ang makakatanggi sa ganitong itsura na nasa harapan ko?
BINABASA MO ANG
Fall to his arm
VampireZaphirah's mission was to find the vampire who killed her father and make that vampire pay for taking her father's life.To make it happened,she need to enter the world that she didn't even imagine to exist because she believe that vampire is just a...