Kinagabihan ay nagbalot na ako ng mga kakailanganin kong gamit para sa panunuluyan sa palasyo.Kaunti lang naman ang mga gamit ko kaya naman mabilis itong natapos.Habang nagbabalot ako ay nasa tabi ko lamang si Aling Rosa,pinagmamasdan ang ginagawa ko na para bang gusto niya kong pigilan ngunit alam din niyang hindi magbabago ang isip ko.
"Sigurado kana ba talaga sa gagawin?" nag-aalalang sabi ni Aling Rosa.
Makailang ulit na niya itong sinabi,ngunit alam ko na kaya lamang niya ito tinatanong sakin dahil nag-aalala siya sa maaari kong kalalagyan sa palasyo.
"Ito na po yung inaantay kong pagkakataon." mahinahong sabi ko sabay ngiti sa kaniya.
"Kung ganun ay mag-iingat ka Zaphirah,ipangako mong makakalabas ka ng buhay.At heto." sabi niya sabay abot ng isang kuwentas.
"A-Ano pong gagawin ko dito?" nagtatakang tanong ko.
Hindi ko man itanong ay alam kong importanteng bagay ito kay Aling Rosa dahil minsan ko narin siyang nakita na hawak ito habang lumuluha.
"Alam kong kakailanganin mo iyan.Pagmamay-ari yan ng namayapa kong asawa,siya ay isang tao kaya naman upang makatuntong sa mundo rito ay kailangan niyang gamitin iyan.May mahikang taglay ang kuwentas na iyan,kaya nitong pigilan ang pang-amoy ng mga bampira at kaya ka rin nitong gawing bampira." mahabang paliwanag niya.
"P-Pero importante po ito sa inyo.At mas lalong alaala ito sa namayapa niyong asawa." sabi ko.
"Sa pamamalagi ko rito sa tahanan ko ay naging importante kana rin sakin at itinuring na kitang parang tunay na anak kaya ayaw kong ikaw ay mapahamak." sinserong sabi niya.
"Maraming salamat po sa lahat,hindi ko po kayo makakalimutan." sabi ko sabay yakap sa kaniya na mukhang labis niyang kinagulat.
Hindi ko man sabihin ay napamahal narin sakin si Aling Rosa dahil siya ang tumatayong ina ko rito sa mundo ng mga pambira kaya naman nakakalungkot na maghihiwalay na kami at wala na akong matatakbuhan sa oras ng pangangailangan kapag namalagi na ako sa palasyo.Kung sa ibang pagkakataon lamang kami nagkita ay alam kong mas pipiliin kong manatili sa tabi niya pero hindi,ito ang realidad na kailangan kong harapin.
"Tama na iyan,ipangako mo saking magkikita pa tayo Zaphirah anak." lumuluhang sabi niya.
Parang pinipiga ang puso ko nang makita ang dahan-dahang pagpatak ng luha sa mata ni Aling Rosa.
"Pangako po." sabi ko sa kaniya.
"Oh siya sige na,mukhang nandiyan na ang karwahe na maghahatid sayo." ngumiti siya na parang sinasabi na magiging maayos lang ang lahat.
Hinatid ako ni Aling Rosa hanggang sa labas ng kaniyang tahanan,tama nga siya may isang karwahe na mukhang naghihintay sa akin at ang isang lalaki na mukhang nanunungkulan sa loob ng palasyo.
"Paalam Zaphirah,nawa'y hindi ito ang huli nating pagkikita." sabi ni Aling Rosa.
Tuluyan na nga akong sumakay sa karwahe at binigyang tanaw ang papaliit na bulto ni Aling Rosa,hanggang sa hindi ko na siya matanaw.Presko ang hangin at napakatahimik ng paligid,siguro dahil papasikat pa lamang ang araw.Mukhang medyo malayo pa ang byahe dahil tanaw na tanaw sa labas ng karwahe ang mga nagtataasang puno,at wala kang makikitang mga bahay.
BINABASA MO ANG
Fall to his arm
VampireZaphirah's mission was to find the vampire who killed her father and make that vampire pay for taking her father's life.To make it happened,she need to enter the world that she didn't even imagine to exist because she believe that vampire is just a...