Lunes ngayon kaya naman maaga akong gumising para mag-ayos ng sarili at para narin hindi mahuli sa unang klase ko ngayong araw.Kahapon ay nagkita kami ni Zeiryl sa pamilihan kaya naman tinulungan niya na rin akong bumili ng mga kakailanganin ko,at ang sabi niya ay pupunta siya ngayon para sabay kami mag-agahan dahil baka hindi ako marunong magluto.
Lumabas ako sa kwarto nang masiguro kong tapos na akong mag-ayos at pwede ng pumasok sa klase.
"Ang aga mo naman Zaphirah.Nga pala,magandang umaga." masayang salubong sakin ni Zeiryl.
Nadatnan ko siyang nag-aayos ng mga kubyertos na gagamitin namin para sa pagkain.
"Baka kasi mahuli ako sa klase." sabi ko sabay kamot ng ulo.
"Ah nga pala,pasensya na pinakialaman ko na ang mga gamit mo sa kusina." nahihiyang sabi niya.
Seryoso ngayon pa siya nahiya kung kailan tapos niya na magamit.
"Ngayon ka pa talaga nahiya kung kailan nagamit mo na?" pabirong sabi ko.
"Oo nga naman,bahala na nga.Tara kain na tayo baka malate pa tayo." sabi niya sabay upo.
Ngayon ko lang napansin na nakabihis narin pala siya at ready narin pumasok kagaya ko.
"Nga pala hindi mo naman kailangan mag-abala pa na lutuan ako." seryosong sabi ko.
"Hayaan mo na ako,nakakawalang-gana kasi kumain ng mag-isa." nakayukong sabi niya.
Hindi na nasundan pa ang usapang iyon hanggang sa natapos na agahan namin.Kaya naman napagdesisyunan naming pumasok na sa paaralan,dahil malapit lang naman ang paaralan mula sa dormitoryo namin ay madali kaming nakarating sa school.
"Hindi ko alam na ganito pala talaga siya kalaki sa malapitan." manghang sabi ko.
Dahil parehas lang kami ng klase ni Zeiryl ay hindi na ko nahirapan na hanapin ang room namin.Pagkapasok namin sa pintuan ng room ay sinalubong kaagad kami ng mapanuring tingin.
"Yes?what can we do for the both of you?" tanong ng may katandaang lalaki.
Kinabahan ako sa paraan ng pagtitig ng kapwa namin estudyante na para bang alam nila kung saan ako nanggaling at kung anong uri ng pamilya ako galing.
"Kung hindi po kami nagkakamali ay dito po ang seksyon na nakalaan samin." magalang na sabi ni Zeiryl.
Napaisip ang guro sa sinabi ni Zeiryl saka muling nagsalita.
"Uh yeah,pwede na kayong maupo." sabi ng guro sabay harap sa mga estudyanteng nasa harap niya.
Naghanap kami ng bakanteng upuan,at sa kamalas-malasan ay hindi kami magkatabi ni Zeiryl.May nakita akong bakanteng upuan sa may tabi ng isang mukhang natutulog na estudyante.Kaya naman ay umupo na lamang ako nang walang permiso ng katabi ko.
Gumalaw ang nasa tabi na para bang nagising dahil sa prisensiya ko.
"Who do you think you are to sit beside me without my permission?" matikas na ingles niya.
"At sino ka rin ba sa inaakala mo para magpaalam pa ko sayo kung pwede ba akong umupo rito o hindi?" pagbara ko sa tanong niya.
Mukhang nainis siya sa sinabi ko kaya naman napatayo siya.
"You bitc--"
Naputol ang sinabi niya dahil sa malakas na sigaw ng guro na nasa harapan namin.
BINABASA MO ANG
Fall to his arm
VampireZaphirah's mission was to find the vampire who killed her father and make that vampire pay for taking her father's life.To make it happened,she need to enter the world that she didn't even imagine to exist because she believe that vampire is just a...