Chapter 9

4 2 0
                                    

Kung totoo ngang nakalaya na ang ina ko ibig sabihin ay buhay pa siya at pagala-gala sa mundong ito ngunit paano ko naman siya makikilala gayong di ko matandaan kung ano ang kaniyang wangis.

Mukhang kailangan ko uling bumalik sa librarian na iyon upang malaman pa ang ibang impormasyon tungkol sa aking ina.

"Tila malalim ang iyong iniisip Zaphirah."

Natigilan ako sa pag-iisip ko ng marinig ang boses ni Zeiryl.

Nalimutan kong narito pala kami sa kabayanan ng revella upang mamasyal,hindi ko namalayan na kami pala'y nakarating ka rito dahil sa lalim ng aking pag-iisip.

"W-wala iniisip ko lang kung saan magandang bumili ng mga regalo." palusot ko nalamang.

"Sigurado ka ba?"  mapanuring sambit niya.

"Oo naman,ngunit mukhang hindi ako makakabili gayong wala akong salapi." malungkot kunwaring sambit ko.

Para hindi na madagdagan ang kaniyang katanungan ay lumapit na lamang ako sa isang pamilihan at pumasok.

Ang tindahang napasukan ko ay naglalaman ng mga kagamitang panulat at mga kwaderno kaya naman nagtingin-tingin na lamang ako,at nakaagaw sa aking mata ang isang kwadernong kulay itim ngunit kaakit-akit tignan ay mukhang masarap sulatan.

"Gusto mo ba ang isang yan?"

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng isang matandang babae sa aking harapan,sa pakiwari ko'y siya ang tindera dito.

"Oo pero wala akong salaping pang-bayad sa iyo."

Hindi ko na inintay pa ang kaniyang sagot at ako'y lumapas na sa kaniyang tindahan.

"Zaphirah..."

"Sandali"

Napatigil kami sa pag-uusap namin ni Zeiryl ng makita ko ang matandang nagtitinda,at hawak niya ang kwadernong nagustuhan ko kanina lamang.

"Sa iyo na lamang ito." sabi niya at iniabot sakin ang kwaderno.

"Ngunit--"

Napatigil ako sa aking pagsasalita ng hawakan niya ang aking mga kamay.

"Tanggapin mo na lamang iyan isipin mo na lamang na iyan ay aking regalo para sa iyo." nakangiting turan niya.

"Bakit niyo ibinibigay sakin ito?gayong wala naman akong ipapambayad sa iyo." nagtatakang sabi ko.

"Dahil ikaw lamang ang nag-bukod tanging bampira na nagustuhan ang kwadernong iyan.Kaya inihahandog ko na lamang sa iyo ng libre iyan."

Nagtataka ma'y tinanggap ko na lamang gayong nagustuhan ko rin naman ang kwadernong ito.

"Maraming salamat." sinserong sabi ko.

Saka muling bumaling sa prinsipeng nagmamasid lamang sa aming pag-uusap.

"Ano iyong sasabihin mo Zeiryl?Bakit mo ako tinawag kanina?"  nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Tayo'y babalik na sa palasyo." maikling sabi niya saka taimtim na pinagmasdan ang Aleng pumasok na sa kaniya tindahan.

"Bakit ganyan ka makatingin sa kaniya?" muling tanong ko dito.

"Wala naman,halina't kanina pa nila tayo inaantay."

Fall to his armTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon