Chapter 7

3 2 0
                                    

Nandito ako ngayon sa likod ng building nang dorm namin at sa bandang kinatatayuan ko ay may mga nakapaligid na  nagtatayugang puno.Hindi ko alam kung paano ako napunta dito para bang may sariling isip ang paa ko at dito niya naisipang pumunta.

Nilibot ko ang paningin ko, nagbabakasakaling may makitang ilaw dahil baka madapa ako kung wala akong dalang ilaw.Napatigil ako sa paglibot ng paningin ko nang may matanaw ako sa kalayuan na bulto ng dalawang tao,palapit sila ng palapit sa kinaroroonan ko at para akong nanigas sa kinatatayuan dahil hindi ako makagalaw.

"A-Anong nangyayari?" nanginginig na sambit ko.

Tuluyan ng nakalapit ang dalawang naaninag ko sa malayo,si Zaxh na nasa harap ng di ko makilalang lalaki dahil sa suot nitong cloak.Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang makintab na bagay na nasa bandang leeg ni Zaxh na para bang gigilitan siya sa leeg ng lalaki.

"Z-Zaxh."

Tuluyan ng bumagsak ang luha na kanina ko pa pinipigilan dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko ngayon,naging malapit narin sakin si Zaxh kaya naman hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sakali mang mawala siya sakin ngayon.

"S-Sorry Zaph!Patawarin mo ko." paulit-ulit na sambit ni Zaxh habang lumuluha.

"Ano bang sinasabi mo?" takang sabi ko.

"Patawarin mo ko sa nagawa ko." sabi ni Zaxh sabay pakawala ng malungkot na ngiti.

"Wag!!!" sigaw ko ng makita kong nagpakawala ng dimonyong ngisi ang lalaki at saka mas lalong diniinan ang  kutsilyo sa leeg ni Zaxh.

Nagising ako na pawis na pawis dahil sa panaginip ko,masamang panaginip.Palagi nalang ako nakakapanaginip ng ganun, paulit-ulit nalang.Ilang araw narin mula ng makapanaginip ako ng ganito,hindi ko alam kung babala ba ito o talagang wala lang.

"Yun na naman napanaginipan ko." mahinang sabi ko sabay pakawala ng buntong-hininga.

Napatingin ako sa orasan na nakapatong sa drawer ko.Nakita kong 3:00 o'clock palang ng umaga.Nakatulog ako mula sa paggawa ng report namin para mamaya at hindi ko ito natapos kagabi kaya naman ngayon ko nalang gagawin dahil alam ko na hindi na  uli ako makakatulog.

Tumayo na ako mula sa pagkakahiga t naghanda ng kape para kapag tinatapos ko ito ay may nasisimsim ako.Pagkatapos ko magtimpla ng kape ay kinuha ko na lahat ng gagamitin ko sa kwarto nang may mapansin akong kulang.Ang papel ko na may mga nakasulat na procedure para sa report namin,mukhang naiwan ko ata sa room.

Nagsuot ako ng hoodie at jeans bago tuluyang lumabas para kunin ang papel ko sa room.Anytime pwede pumunta dun dahil hindi naman iyon sinasarado,hindi ko alam kung bakit pero nagpapasalamat ako kasi di sinasarado yun.

Tuluyan akong nakalabas sa building ng dorm namin at sumalubong sakin ang malamig na simoy ng hangin.Kinakabahan man ay pinagpatuloy ko na lamang ang paglalakad ko at ang tanging dala ko lang ay ang maliit na flashlight na nakita ko sa emergency kit na nasa loob ng kwarto ko.Nakarating ako sa room namin at mabilisan kong natanaw ang papel ko na nasa armchair lang.

Papalabas na sana ako ng school building namin nang makarinig ako ng parang nag-uusap.Nandito ako sa hagdanan pababa sa unang palapag at ang boses na naririnig ko ay galing sa unang palapag.

"Manmanan mo lang sila at sabihin mo sakin kung ano ang napapansin mo.Huwag mong ililingat ang mata mo sa prinsipe dahil magkamali ka lang ng isang beses,mawawala ang iniingatan mo.Ikaw na ang bahala sa dalaga,basta ang sinasabi ko sayo ang prinsipe."  may halong pagbabanta na sabi niya.

Fall to his armTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon