Chapter 3

6 4 0
                                    

Isang linggo na rin mula nang nagkatagpo kami ng kapatid ni Zeiryl na si Dastan.Isang linggo ko na ring hindi nakikita si Zeiryl,hindi sa namimiss ko siya kundi itatanong ko kung paano makapasok sa palasyo pero di ko alam kung paano siya tanungin nang hindi niya nahahalata na may importante akong gagawin sa palasyo.

Bukang liwayway pa lamang ay nandito na ako sa burol na pinuntahan namin nung nakaraan ni Zeiryl,isa narin to siguro sa nagustuhan kong lugar dito sa mundo nila dahil kitang-kita sa kinaroroonan dito ang malaking gusali na pinagtatayuan ng palasyo.

"Kamusta?" rinig kong sabi ng isang pamilyar na lalaki.

Duon ko nasilayan ang madilim na aura ng isang lalaki na siya lamang ang kilala kong nakakagawa nun,si Prinsipe Dastan.Kung pagtatabihin ang dalawang magkapatid ay hindi mo aakalain na magkapatid sila  dahil sa magkaiba nilang aura,si Zeiryl na may masiglang pagkatao at ang Dastan na parang madilim ang mundo.

Hindi ko alam kung bakit siya nandito baka lamang ay napadaan.O kaya naman,katulad ng sadya ko kaya siya pumunta rito.

"Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa tanong mo.Ang pagkakaalala ko ay kating-kati ka ng patayin ako tapos makikita kita dito na yan ang sasabihin mo." ngisi ko sabay iling.

"Tss,paano mo nalaman ang lugar na 'to?" pag-iiba niya ng usapan.

Ano naman kaya nakain nito at naging mabait bigla?

"Zeiryl." maikling sagot ko.

Biglang umihip ang sariwang hangin na siyang nagpapikit sakin dahil sa sarap ng hangin na dumadampi sa balat ko.Sana ganito nalang kapayapa ang lahat,kaso hindi.

"Totoo nga ang usap-usapan na may dukhang kaibigan ang bunsong anak ng hari."

Base sa kaniyang pananalita ay alam kong nakangisi siya.

Kahit rin pala sa mundong ito hindi patas,langit ang mayayaman at lupa naman ang mahihirap.Anong mali sa pakikipagkaibigan ng mga dukha sa mayayaman?Hindi naman lahat may kailangan sa mayayaman kaya nakikipagkaibigan.

"Ano naman ang kailangan mo sa kapatid ko?salapi?o baka naman iniisip mo na makakapasok ka sa palasyo sa tulong ng kapatid ko?" seryosong sabi niya.

Hindi na lamang ako umimik dahil may parte sa sinabi niya na tama siya,pero alam ko sa sarili kong hindi ako gagamit ng ibang tao para lamang makapasok sa palasyo.

"Hindi ka makapagsalita kasi tama ako." sabi niya sabay pakawala ng dimonyong ngisi.

"Hindi ako nagsalita dahil ayokong patulan ang pang-iinsulto mo mahal na prinsipe pero hindi ibig sabihin nun na tama na ang pantaha mo." may diin na sabi ko.

Hindi na siya umimik pagkatapos ng sinabi ko ngunit nakaplaster parin sa kaniyang mukha ang nakakalokong ngisi na para bang may nakakatawa sa sinabi ko.
Maya-maya pa ay bigla siyang nagsalita na nakapagpatigil sa iniisip ko.

"Nababasa ko sa mata mo na gusto mong pumasok sa palasyo.Lets make a deal."  seryosong sabi niya.

"Anong deal?"  interesadong sabi ko.

"Hindi ba gusto mong pumasok sa palasyo?Tutulungan kita,magpapanggap kang bantay ng aking kapatid.Ako ng bahala sa lahat,mula sa pagpasok mo sa paaralan." deritsong sabi niya sabay sulyap sa 'kin.

Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi to,pero alam kong kailangan kong mag-ingat sa kaniya.Hindi ko alam kung ano ang intensyon niya kaya niya ako tutulungan.

"Hindi mo ko maloloko,hindi ko alam kung ano ang intensyon mo.At mas lalong hindi ako tanga." galit na sabi ko sa kaniya.

"Gusto lang kitang tulungan." ngising sabi niya.

Fall to his armTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon