Chapter 6

4 2 0
                                    

Ilang linggo narin ako mula ng nakapasok ako sa Hellvoire University,hindi ako nahirapan na mag-adjust sa paligid dahil narin katulad sa mundo ng mga tao ay halos normal lang dito.Hindi ko alam kung ano ang nangyari't naging magkaibigan kaming tatlo ni Zeiryl at Zaxh.Sa tuwing magkakasama kaming tatlo ay palagi kaming nakakarinig ng bulungan dahil sikat pala tong hinayupak na Zaxh na to.

"Nabalitaan niyo na ba na may nakapasok daw na tao rito sa mundo natin." mahinang sabi ni Zaxh.

Nandito kaming tatlo sa field ngayon kasi breaktime at ayaw namin sa cafeteria dahil paniguradong paguusapan lang kami dun.

Sa araw-araw na kasama namin si Zaxh ay wala siyang bukambibig kundi ang tungkol sa mga tao,pati ang mga tsismis na di dapat niya malaman ay nalalaman niya.Hindi ko alam kung paano niya nagagawa yun.

"Ayan kana naman Zaxh,tao na naman laman ng malansa mong bibig.Wala namang katotohanan ang pinagsasabi niyang bibig mo." hirit na sabi ni Zeiryl.

"Sigurado na ako dito sa sinasabi ko ngayon,dahil narinig ko sa isa sa mga kawal sa palasyo na may nakapasok raw dito mula sa portal."  seryosong sabi ni Zaxh.

"N-Nakilala ba daw?" hindi mapakaling sabi ko.

Napatingin sakin ang dalawa gamit ang nagtatakang mga mata.

"Bakit parang natatae ang mukha mo Zaphirah?" sabi ni Zaxh sabay pakawala ng tawa.

Si Zeiryl naman ay nanatiling nakatingin sakin na para bang pinagmamasdan maigi kung bakit naging ganun ang reaksyon ko.

Naputol lamang ang titig niya ng biglang tumunog ang bell,hudyat na tapos na breaktime.

"Bilisan na natin dahil si Dragona ang susunod nating guro." sabi ni Zaxh na may halong pagmamadali.

Nagtulungan kami sa pagligpit ng mga pinagkainan namin saka dali-daling tumakbo sa room.Saka lamang kami tumigil ng matanaw na namin ang pintuan ng room namin.Naging matagumpay ang pagmamadali namin dahil magkasabay lang ang dating naming apat at ang guro namin.

"Get your notebook and take down notes because we have a test later after my discussion." mataray na sabi ng aming guro.

Natigilan ako ng hindi ko mahanap ang notebook ko,kaya naman napatingin ako sa dalawang kasama ko kanina at mukhang napansin nilang dalawa ang tingin ko kaya sabay silang napatingin sakin.

"Bakit?" bulong na sabi ng dalawa.

"Nakita niyo ba yung notebook ko?" bulong
ko din sa dalawa.

Nagkibit-balikat ang dalawa dahil sa tanong ko.

"And what are you doing Ms. Zaphirah?" salubong na kilay na tanong ng guro sakin nang mapansin na bumubulong ako.

"Sorry po,tingin ko po nalimutan ko yung notebook ko sa field." magalang na sabi ko.

"Sige kunin mo na at pakibilisan." sabi ng guro sabay harap sa pisara.

Papalabas na sana ako ng room nang makita kong nagtaas ng kamay si Zeiryl kaya naman ay napatigil ako.

"Excuse me Mam,maaari ko po bang samahan si Zaphirah?" sabi ni Zeiryl sabay kamot sa ulo.

"Anong samahan?hindi mabigat ang isang pirasong notebook Mr. Zeiryl.And you!" sabay turo niya sakin.

"Ano pang tinitingin-tingin mo diyan?kunin mo na yung notebook mo." galit na sabi ng guro.

Fall to his armTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon