Precious Xindy Wang POVMatapos ang pang umagang klase eh nandito naman kami ngayon sa canteen kasama ang bestfriends ko. Hindi ko alam pero ang tahimik dito sa canteen.
"Uy bes, sabi ko kung asan si Brey" Ay kinakausap pala ako ni Mei.
"A-ah hindi ko alam" Sabay lihis ko ng tingin. Hindi ko naman kase talaga alam.
"Eh? Asan na kaya yun sasabay daw sya satin kuma-" Naputol ang sinasabi ni Mei nang may magsalita sa likod nya.
Sino sya hindi ko sya kilala.
"Tingnan mo pare, ang gaganda ng mga to oh" Sabi nya dun sa mga kasama nya. Tss, napa smirk nalang ako. Nang biglang may umakbay sakin. Ay putcha. Hindi ko manlang nakitang lumapit sya sakin. Manyak ata to eh!
"Alam mo maganda ka na nga sana eh mapagmatigas ka lang" Bulong nya sa tenga ko, ng pumalag ako sa pagkaka akbay nya sakin.Nakita ko naman sina Yin at Mei na inak bayan din nung dalawa pang kasama ng katabi ko.
Habang nag pupumiglas sina yin at mei, hindi naman ako nagalaw ng halikan ako neto sa pisnge. Natulala ako.
Nang matauhan ako, tinulak ko sya at sinampal ng pag kakalakas lakas. Kaya nag kagulo na dito sa canteen. Hindi ako sanay ng may nasasampal kaya ganon nalang siguro ang naging reaksyon ko. Habang ang ilang studyante ay nanonood dito samin. Nakita ko rin na napabitaw na yung dalawang lalaki sa pag kaka akbay nila kila Yin at Mei. Hay malaking gulo ata ang pinasok ko.
Mark Brey Chou POV
Nakita kong may sinampal si Xindy, di kalayuan dito sa tambayan naming mga Kings. Kaya na alerma ako at nag madaling pumunta don.
"Bro, San ka pupunta? " Tanong ni Ace.
Pero diko na sya inintindi at tumakbo na.
Mabilis naman akong nakapunta dito sa canteen. At nakita kong lumapit si Yin at Mei kay Xindy. Lumapit nadin ako.
"Anong nangyari? " Tanong ko kay Yin.
"Binastos kasi sya nung lalaki" Takot na sabi ni Yin. Habang eto si Xindy nakatulala lang.
Biglang umakyat ang dugo ko sa nalaman ko.Kaya nasuntok ko si Brent ng sya pala ang may kagagawan nito kay Xindy. Sakto naman na dumating din ang dalawa pang kings.
"Bakit mo ginawa yon?! " Sigaw sakin ni Brent kaya lumapit na sakin sina Ace at Sean.
Akmang susuntukin ako ni Brent ng unahan sya ni Sean. Nakigulo narin dito ang dalawa pang kasama ni Brent. Nag kakarambulan na kami at Hindi ko to palalampasin, tsk!
Yin San Jose POV
Tila wala parin sa huwisyo si Xindy. Hindi na namin alam ang gagawin, nag susuntukan na sila. Habang inuuga ko na si Xindy eh hindi parin sya nagigising. Shit lang talaga. Ganyan kase si Xindy ayaw nyang may nasasaktan sya. Napapatulala sya.
"Xindy, nag kakagulo na sila! " Sigaw naman ni Mei kay Xindy at natauhan na ito.
"H-ha? " Tanong ni Xindy. At tumayo. Nakatingin lang kami ni Mei sa kung anong gagawin nya.
Nakita nyang tumumba na si Brey kaya dali dali siyang pumunta dun, naka tingin lang kami.
"Hey stop na! " Sigaw nya sa kanila.
"Okay ka lang, Brey? " Tanong nito. Tumango lang sa kanya.
Lumapit naman ito dun sa lalaking bumugbog kay Brey."Tumigil ka ng lalaki ka! Hindi naman kita kilala! " At sinampal nya ito, woah ngayon lang ata sya nagalit ng ganyan. Habang ang lahat ng nandito ay tumahimik, pati sina Ace at Sean, Brent 'daw', saka yung dalawa pa.
Pinilit tumayo ni Brey at inalalayan sya ni Xindy. Iba din tong scene na to ngayon parang may spark sa kanila ni Brey.
Precious Xindy Wang POV
Inalalayan ko na si Brey papalabas pero bago kami tuluyang lumabas, sinamaan ko muna ng tingin yung Brent daw. Tss, nakakaiyamot sya ha! May mga pasa na tuloy tong si Brey.
Nang biglang nag salita si Brey habang naglalakad kami."U-uhm, Xindy thank you "
"Wala yon. Dapat nga di mo na ginawa yun eh"
Ngumiti lang sya kaya napangiti narin ako.
Nakarating na kami dito sa parang room, pero kings ang nakalagay. Ito na ata yung tambayan nila.
Pumasok na kami at iniupo ko na sya sa sofa. Pero kumuha muna ako ng yelo sa ref at salamat meron. Tinakluban ko naman ito ng damit. At tumabi nako sa kanya.
"Siguro, wag muna tayong umattend ng klase" Tumango naman ako.
"Kilala mo ba yung lalaki kanina? " Tanong ko naman sa kanya.
"Oo, sya si Brent Ispiritu"
"Ahh. Hindi ko sya mapapatawad sa ginawa nya sayo" Napa smirk naman ako.
"Bat pala napatulala ka kanina nung sinampal mo sya? "
"A-ano kase eh. H-hindi ako sanay ng may nasasampal ako" Sabi ko at yumuko na.
"Tss, ang baet talaga" Rinig ko namang bulong ni Brey, pero diko nalang yon pinansin.
Matapos ko naman syang gamutin ay nag pahatid na sya sa driver nya. Hindi na muna ako nagpakita kila bes, at bukas na.
Kinagabihan...
Naka uwi na ako dito sa bahay. Dumaretso ako sa kwarto ko at doon nahiga. Nakakapagod ngayong araw. Hay.
Hindi naman ako makatulog ngayon, hay ewan ko ba ayaw akong dapuan ng antok.
Naisipan ko namang tawagan yung manager namin sa isang resto bar kung saan dun kami kumakanta nina Yin at Mei. At XinYiMei ang tawag sa band namin.
"Hello Ms. Wang, what can I do?"
Sabi naman sa kabilang linya."Uhm, pwede bang tawagan nyo sina Yin at Mei at sabihin nyong kakanta kami ngayon? "
"Sure, just wait ma'am"
And I hear her na nag dialed na sa isa pang phone.
"Ms Yin go here in our bar. And also tell this to Ms Go. Kakanta kayo" Sabi nang nasa kabilang linya parin, bale nakikinig lang ako.
"WHATTT?!! GABI NA AH?! BAKIT MERON ?!DI BA PWEDENG IPAGPABUKAS?! TAKTE STORBO NAMAN KAYO EH! " Sigaw ni Yin sa kabilang linya kaya medyo nilayo ko yung phone ko sa tenga ko.
"Ma'am it's an order po from Ms. Wang"
"Oh really? Okay we're coming" At sabay hang up ni Yin.
"Ms. Wang okay na po"
"Sige, salamat" At hinang up ko na ang phone. Bat naman kaya ganon si Yin? Nalaman nya lang na sabi ko eh pumayag na sya. Hayyy yung best friend kong yun talaga.
Matagal tagal rin ang pinaghintay ko bago dumating si Yin at Mei.
"So kakanta na ba tayo Xindy? " Tanong ni Mei.
"Uhm yah" Tango ko naman.
At ngayon ay kakanta na kami kaya nag announce na ang manager.
"Hello everyone, we have our guest XinYiMei band now and they will sing. Do you like it guys? " At sabay sabay naman na sumigaw ng yes ang mga customer.
Kaya pumunta na kami sa stage. Ang kakantahin namin ngayon--i mean ako lang pala dahil sabi ko sa kanila na ako lang ang kakanta ng solo pero sila sa musical.
Nag simula na ang intro kaya humanda na ako at ang mga audience.

BINABASA MO ANG
I'm In Love Again With My King (On Going)
Teen FictionLove is unexpected. Though she hurt me so fucking much,i still love her. I pretend i hate and bullshit to her but inside of me i really love her. I wish she comeback to me. Also i like the way she tease me,it's like i can see that if she do teasing...