Precious Xindy Wang POVMatapos ang eksena namin sa bahay nina Brey... Pupunta naman kami ngayon para mag pa ayos na. Alam kasi naming matagal ang pag aayos namin dahil madami kami. Si Mama ang bahala sa bayad ani Mama. Hindi ko alam kung sasama ba si Sean kasi... Wala pa sya hanggang ngayon dito sa bahay. Hindi naman namin sya hinihintay pero hindi lang talaga kami naalis pa dahil mainit pa para mag byahe.
"Pupunta ba si Sean? " Bulong sakin ni Mei.
"Hindi ko alam" Bulong ko pabalik sa kanya.
"Hindi pa ba tayo aalis, Xindy? " Mukang naiinip na si Ace habang eto si Sean nakapikit na. Sorry naman umaasa kasi ako na dadating si Sean.
"Mamaya nang konti, Ace. Masyado pa kasing mainit sa labas para byumahe" Nahihiya kong sagot kay Ace.
"Gusto nyo ba nang makakain? " Bigla kong natanong sa kanila.
Ayoko nang parang wala silang gana dito sa bahay.
"Sige lang Xindy" Nakangiti naman akong tumayo at papunta na sa kusina.
Pinaghanda ko sila ng tinapay at juice.
"Here, Kain muna kayo" Nakangiti kong sabi sa kanila. Ngumiti rin sila at kumain na.
Matapos silang kumain... Nawawalan na talaga ako ng pag asa kaya nag yaya na akong umalis.
"Hay salamat naisipan mo pa yan Xindy" Sarcastic na bulyaw sakin ni Yin. Naku naman haha sorry!
Sasakay na sana ako ng kotse ni Brey nang parang nakita ko si Sean.
"Hindi ka pa ba papasok, Xindy? Ang init oh! " May pag ka sarcastic na naman ang tono ni Yin. Hay siguro nga guni guni ko lang yon kaya pumasok na ako sa kotse. Napabuntong hininga nalang ako ng hindi ko na talaga nakita si Sean at umandar na ang kotse. Hindi ko pa kasi nakakausap si Sean tungkol sa nakaraan namin.
Sean Gabrielle Scott POV
Hindi ko alam kung anong nangyari at parang gusto kong sundan sina Xindy.
Napaiwas ako nang parang tumingin sya sa direction ko. Hindi nya pwedeng malaman na nandito ako.
Napahinga ako nang makaalis na sila.
Hindi ko alam pero natatakot ako... Natatakot akong iwan nya ulit ako. Matagal tagal narin yung pag bbreak namin pero, darn! Ang sakit parin! Minahal ko sya as is I gave my all heart to her but, anong ginawa nya?! Sinaktan nya ko. Sobrang sakit. Una palang alam ko nang mali ang ginawa namin ni Xindy dahil alam kong bawal pa syang mag ka boyfriend. Pero... Mahal na mahal namin ang isa't isa. Marami naring nangyari samin ni Xindy, nakakapag gala kami kahit bawal sya, nakaka kain kami ng mag kasama kahit bawal sya, pero... Dumating yung araw na kinakatakutan ko. Ang iwan ako ni Xindy. That time nalaman daw ng Lolo nya kung anong meron samin. Halos mag makaawa na ako sa kanya nung araw na yun. Sya na nga lang ang nag mamahal sakin, iniwan nya pa ko. Si Mama... Hindi nya ko binalikan pag katapos nyang mag abroad. Nalaman ko na lang kay Lolo na hiwalay na sila Mama at Papa. Haha! O diba? Ang taray tss wala man lang silang paki. Si Papa tss may new wife na sya. Mabait naman ang stepmom ko but I really don't like it. Parang kinanya na nya ang Daddy ko, wengya! Hindi na ako nakakausap ni Daddy. Wala na ngang time si Papa sakin eh! Para silang walang anak!
Aeriel Mei Go POV
Hindi ko alam dito kay Xindy. Hindi sya mapalagay napapairap nalang ako sa ginagawa nya tss.
"Ano bang nangyayari sayo Xindy?! " Irita kong sabi kay Xindy. Tumigil naman na sya saka naupo.
"Nakita ko kasi si Sean kanina eh" Napairap nalang ulit ako.
BINABASA MO ANG
I'm In Love Again With My King (On Going)
Novela JuvenilLove is unexpected. Though she hurt me so fucking much,i still love her. I pretend i hate and bullshit to her but inside of me i really love her. I wish she comeback to me. Also i like the way she tease me,it's like i can see that if she do teasing...