Prince Series 2: Luna and the 5 Prince

246 51 1
                                    

PRINCE SERIES 2: LUNA AND THE 5 PRINCE
Author: keith_jhuztine
Genre: Random
Status: on-going

Synopsis

Lumina Kylle Arcenalle o mas kilala bilang Luna. Sya ay lumaking nasa poder ng kanyang lola matapos syang iwan ng kanyang ina at hindi na binalikan pa. Lumaki syang maganda,matalino, at mapagmahal. Ang kaso, lumaki din syang makulit at troublemaker kaya hindi na nakapagtataka kung isang araw makikita mo nalang syang tatakbo nalang bigla sa dami ba naman ng mga kababaihan at kalalakihan ang gustong kalabanin at bugbugin sya.

Hanggang sa isang araw, habang papasok palang si Luna kasabay ang kaibigan nyang si Nemo ay may grupo ng mga kalalakihan ang humarang sa dinaraanan nila na gustong makaganti kay luna dahil sa ginawa umano nitong kasalanan sa lider ng grupong iyon.

Pero bago pa makagawa ng hakbang ang kabilang grupo laban sa kanila ay hinatak na agad ni luna sa kamay ang kaibigan nyang si Nemo saka tumakbo para makatakas sila sa mga lalaking iyon.

Ang kaso, sa kakatakbo nila para makatakas sa mga lalaking iyon ay nagkahiwalay ang landas nila Luna at Nemo kaya naman nahati ang grupo ng mga lalaking humahabol sa kanila

Hanggang sa kakatakbo ni luna ay may nakita syang isang lumang bahay kaya walang pag-aalinlangan nya itong pinuntahan at binuksan para sya ay makapasok,at nang makapasok na sya ay agad-agad nya namang isinarado ang pinto para hindi makapasok ang mga lalaking iyon.

Ngunit ano nga ba ang magiging reaction ni Luna kapag nalaman nyang hindi lamang isang ordinaryong lumang bahay ang kanyang pinasukan kundi isang daan na magtutungo sa kanya papunta sa ibang mundo?

Ano nga ba ang una nyang gagawin kung sa pagharap nya para libutin ng tingin ang paligid ng buong bahay ay iba ang makita nya? Dahil imbis na mga lumang gamit ay mga naggagwapuhang mga lalaki na naliligo ang nakita ng mga mata nya.

Kung ikaw si Luna, Gumawa ka kaya ng paraan na makabalik sa mundo mo o hahayaan mo nalang nakakulong ang sarili mo sa mundo nila kasama ang limang naggagwapuhang mga prinsipe?

Find out what will happen next to Luna together with the 5 Prince

Undiscovered Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon