Prince Series 4: Her Voice

126 49 0
                                    

PRINCE SERIES 4: HER VOICE

Author: keith_jhuztine
Genre: Random
Status: on-going

Synopsis

Mula sa kahariang Aocsxei kung saan takot ang namamayani para sa mga kababaihan dahil sa  lagamak na pagpatay sa kanila. mapa-bata man o matanda, may kapansanan man o wala ay pinapapatay ng kanilang Haring si Pheiton sa hindi malamang dahilan. Dahil sa ginagawang ito ng kanilang Hari ay napilitang itago ng mga kalalakihan ang kanilang mga asawa at anak na babae. Pero di naglaon ay natuklasan din ito ng kanilang Hari kaya't ipinag-utos niya sa kaniyang mga kawal na pagpapatayin ang mga nagtatago at tinatagong babae.

Nagtagumpay naman ang Hari ngunit lingid sa kaalaman niya na may isang napakagandang dilag malayo sa kinatatayuan ng kaniyang kaharian at malayo sa mga kapwa niya mamamayan ang siyang itinatago ng isang matandang lalaki sa ilalim ng kaniyang bahay.

Hanggang sa isang araw. Bumisita si Prinsipe Roux kasama ang Mahal na Haring si Dreiko sa Kaharian ni Haring Phaeiton upang kamustahin ang lagay ng kaharian nito ng hindi sinasadyang napadpad ang Prinsipe sa lugar kung saan tinatago ng matandang lalaki ang isang napaka-gandang dilag.

Isang Tinig. Isang napakagandang tinig ang biglang narinig ng Prinsipe sa likod ng lumang bahay na kaniyang nakita. Tinig na naging dahilan para pasukin niya ang lumang buhay at hanapin ang dilag na nagmamay-ari ng napakagandang boses na kaniyang narinig.

Ngunit anong mangyayari sa Prinsipe sa pagpasok niya sa lumang bahay?Makita niya kaya ang dilag na may ari ng tinig na iyon? O mapahamak lamang siya sa pagpasok sa lumang bahay?

Undiscovered Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon