THE BADBOY'S BABYSITTER
By: keith_jhuztine
Genre: General Fiction
Status:On-going
Quote:
"What? Just because I can't have you right now, doesn't mean he can have you. Remember? You are mine. My woman. No other man can have you." - HadzPrologue:
Kunot-noong pinatay ko ang shower ng marinig na may nagbukas ng pinto ng kuwarto ko. Pinakiramdaman ko muna ang paligid bago napagpasiyahang kunin ang tuwalyang nakasampay. Nagkibit balikat nalang ako ng wala naman akong narinig na mga yapak at paggalaw sa mga gamit ko.
Marahil ay si manang lang iyong pumasok ng kuwarto ko at lumabas din. Marahan kong pinunasan ang basang buhok gamit ang tuwalyang kinuha. Pagkatapos ay muli ko itong isinampay at saka pumunta sa maliit na kabinet at binuksan para kumuha ng isa pang tuwalya.
Ibinalot ko ang kinuhang tuwalya sa katawan bago binuksan ang sliding door saka pumunta sa may salamin. Saglit ko lang tinignan ang repleksiyon sa salamin bago lumabas ng banyo ng nakatapis lang.
Tumungo ako sa may closet ko para kumuha ng maisusuot. Saktong pagkabukas ko ng pinto ang siya namang pagsulpot ng isang braso mula sa likod ko at malakas na isinara ang pinto na ikinagulat ko.
Marahas naman akong pinihit paharap ng taong nasa likod ko.
"Hadz? What are you doing here?" - takang tanong ko dito ngunit nanatili lang itong nakatitig sa mga mata ko dahilan para mailang ako ng bahagya.
Tinabig ko naman ng mahina ang mga kamay niya na nasa dalawang balikat ko bago nagsalita.
"Kung wala ka namang sasabihin then leave. Magbibihis ako." - seryosong sabi ko dito bago ito tinalikuran at binuksan ang pinto ng closet ko. Hindi pa ako nakakakuha ng damit na masusuot ng isara na naman nito ang pinto ng closet ko at muli akong pinaharap sa kaniya.
Pagkaharap ko ay agad ako nitong isinandal sa pinto ng closet ko bago inilapit ang labi niya sa labi ko. Mabuti nalang at nakaiwas pa ako ng bahagya kaya sa gilid lang ng labi ko dumikit ang labi niya.
Inis naman na itinulak ko ito palayo sa akin sabay punas sa gilid ng labi ko. Hindi nakatakas sa paningin ko kung paano dumilim ang mga mata nito kasabay ng pag-igting ng kaniyang panga. Minabuti ko nalang na lumayo at umalis sa harap niya ngunit hindi pa ako gaanong nakalalayo sa kaniya ng hatakin ako nito sa braso.
"T-teka Hadz ano ba?" - sigaw ko ng ikulong ako nito sa pader. Pinilit kong itinulak ang katawan niya para makatakas ako.
"Isa Hadz. Hindi na ako natutuwa." - pilit kong pinaseryoso ang boses para lumayo siya pero imbis na lumayo ay mas lalo lang nitong idinikit ang katawan niya sa katawan ko.
For Pete's sake! Nakatapis lang ako ng tuwalya. Fresh from the bath. Paano nalang kung biglang pumasok si Ma'am Alisha? O kaya si manang? Ano nalang ang iisipin nila kapag nakita kami sa ganitong pwesto?
"Hadz ano bang nangyayari sayo?" - takang tanong ko sa kaniya habang sinusubukan ko paring itulak siya papalayo sa akin dahil naiilang ako sa kaniya. Nahigit ko naman ang hininga ng maramdamang may mainit na hangin ang tumatama sa leeg ko dahilan para mapatigil ako sa pagtulak sa kaniya.
"You smell sweet. My einjyel." - malamig pero may halong lambing na bulong niya sa akin habang inaamoy ang leeg ko. Naramdaman ko namang inilagay niya sa bewang ko ang kamay niya dahilan para mapatuod ako sa kinatatayuan ko.
"Hadz ano ba? Lumayo ka nga! Baka biglang pumasok si Ma'am Alisha o si manang." - mahinang sabi ko dito sabay tulak sa kaniya ng malakas. Tagumpay naman dahil napalayo siya sa akin.
"I locked the door." - Tipid na sabi nito bago ako muling hinatak sa bewang palapit sa kaniya. Pinakiramdaman ko lang ito habang dinadampian ng halik ang buhok ko. Maya-maya pa ay bumaba ng bumaba ang halik nito papunta sa leeg ko na ikinabilis ng tibok ng puso ko.
Dahil sa pagkailang sa ginagawa nitong paghalik sa leeg ko ay naitulak ko ito ng malakas kaya napalayo siya sa akin ng bahagya. Kita ko naman kung paano ulit umigting ang panga niya dahil sa ginawa ko kaya bago pa ito makalapit sa akin ay minabuti ko nalang na umalis sa harap niya at pumunta sa pinto saka binuksan.
"Gabi na. Gusto ko ng magpahinga." - mahinahong sabi ko sa kaniya. Nakipagtitigan muna ito sa akin bago lumapit papunta sa direksiyon ko. Akala ko ay lalabas na ito kaya niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto para magkasiya ito pero nagulat ako ng bigla nitong isara ang pinto kaya kinakabahang tumingin ako sa kaniya.
"B-bakit mo isinara? I said i-i want to rest. Pl--" - hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla ako nitong buhatin saka inihagis sa kama.
"What the hell is your problem Hadz?" - gigil na tanong ko kay Hadz ng mapikon na ako.
Hindi ba siya nakakaintindi na gusto ko ng magpahinga? Bukod pa doon ay sobra na akong naiilang sa mga ikinikilos niya. Hindi naman siya ganito dati habang inaalagaan ko pa siya.
Naipikit ko muna ang mga mata saka huminga ng malalim bago umupo sa kama. Pagkaupo ay agad kong hinawakan ng mahigpit ang tuwalyang nakatakip sa katawan ko ng maramdamang medyo lumuwag ito.
Nag-init naman ang magkabilaang pisngi ko ng mahuling nakatingin si Hadz at titig na titig sa may bandang dibdib ko kaya agad kong hinablot ang unan sa tabi at ibinato sa kaniya.
"Asshole! You perv! Stop looking." - may halong inis at panggigigil na turan ko ng maibato ko sa kaniya ang unan na tumama sa bandang dibdib niya.
"Your mouth baby." - inirapan ko naman ito dahil sa itinawag nito sa akin.
"Hindi mo ba ako naiintindihan? I said I want to r--"
"I know." - putol nito sa dapat na sasabihin ko kaya sinamaan ko ito ng tingin.
"Oh. Ayun naman pala eh. Ano pang ginagawa mo? Labas!" - inis na sabi ko dito at akmang aalis na sa kama ng bigla itong sumampa at humiga saka ako hinatak kaya napasubsob ako sa kaniya.
"Let's sleep now. I also want to rest." - bulong nito sa tenga ko habang nakayakap sa bewang ko dahilan para makiliti ako.
"T-teka Hadz ano ba! Seryoso sabi ako eh." - inis na sabi ko dito bago muling bumangon. Akmang hahampasin ko na ito ng mahuli nito ang kamay ko sabay hatak papahiga sa kama bago ako dinaganan.
"I'm serious too." - laglag ang pangang napatingin ako sa seryoso nitong mga mata na nakatitig sa nakaawang kong labi.
BINABASA MO ANG
Undiscovered Stories
General Fiction[ O P E N √ ] - But Slow Update Do you want your stories to be promoted? just fill up the form neatly. Highest Rank #1 in new stories - 06/13/19 #1 in promotions - 06/13/19 #17 in undiscovered - 06/13/19 #36 in undiscovered - 06/08/19 #113 in Keith...