Anak

48 18 2
                                    

ANAK
By: TruthnDare
Genre: General Fiction
Status: On-going

Prologue:
"Family is like a treasure that we must need to keep. Have a complete family is the happiest thing that we had."

Ang Ama ang Sandigan ng tahanan, siya ang nagpoprotekta sa kanyang pamilya. Siya ang naghahanap ng trabaho para makakain ng tatlong beses sa isang araw. Susuportaan ka sa anong hilig mo, kung ano ang gusto mo kahit di niya gusto, hindi dahil wala siyang magagawa, kundi mahal ka niya ng sobra. Siya ang haligi na nagpapatayo ng maagi sa ating tahanan.

Pero hindi lahat Ama ay ganyan,kaya napakaswerte ni Lowell sa kanyang ama, bukod sa mabait ay mapagmahal pa hindi lang sa kanya, kundi rin sa kanyang pinakamamahal niyang asawa.

Bata pa lang ay alagang alaga na si Lowell ng kanyang mga magulang. Puyat at pagod ang ginugol nila para lang maalaga siya ng mabuti.

Nang magkaedad na siya at may tamang pag iisip na, nagbago na lahat. Ang mabait na Anak nila ay naging pasaway, naging basagulero.

Dahil sa pagkakabasagulero niya may napapahamak na iba, may nadadamay na malapit sa kanya.

Ang kanyang Ina, Ama, ang kanyang babaeng nagmamahal sa kanya ng lubusan.

Sacrifice. One word pero maraming nasasaktan, naghihinagpis,nasisira.

" Lahat ng paghihirap namin ay nawala lang bigla, lahat ng mga pangarap namin sinira na niya. Pero Mahal parin namin siya, dahil anak namin siya"
-Ina

Undiscovered Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon