Spill The Vince

49 30 0
                                    

SPILL THE VINCE
Author: LonelyBluePenguin
Genre: Teen fiction
Status: On-going

Prologue :

"Oy, Binsoy, yung kiss daw ni Kath!"

'Ha? Anong kiss? Wala akong sinasabing kiss!'

"Hala? Faiye, wala akong sinasabing ganun ah!" pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Sus, alam ko namang gusto mo rin eh," mahinang bulong ni Faiye sa'kin."

Di na ako nakasagot sa kanya dahil nakita kong papalapit si Vince samin.

"A-Ah, pa-pagpasensyahan mo n-na si Fa-Faiye, ka-kahit ano-ano na-nalang yu-yung na-nasasabi n-niya." nauutal kong sabi.

Hindi siya kumibo.

Habang papalapit siya nang papalapit, humahakbang naman ako patalikod hanggang sa maramdaman ko ang pader sa aking likod. Damn, wala na akong lusot.

Kinakabahan ako sa mga susuno-
Nanlaki ang aking mga mata nang maramdaman kong hinalikan niya ako sa aking pisngi.

'Omayghad? Did he just kissed me?'

"Vin-," tawag ng isang babae sa kanya.

"Ay, sumingit." mahinang parinig ni Faiye sa babaeng tumawag kay Vince at binigyan niya ito ng matalim na tingin.

"Ashley." gulat na tawag ni Vince dun kay Ashley."

Di ko alam pero parang nakita kong nangilid ang luha nung Ashley na agad namang tumakbo palayo at sinundan naman siya ni Vince.

Bigla akong napako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan si Vince na sundan si Ashley.

'Anong meron? Sino si Ashley? Is there something between them? May hindi ba ako nalalaman?'

Undiscovered Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon