THE FORGOTTEN ANGEL
Author: keith_jhuztine
Genre: werewolf
Status: On-goingSynopsis
Sa kaharian ng mga anghel kung saan nagpupulong-pulong ang mga ito sa loob ng puting silid ay tahimik na nakikinig sa di kalayuan ang isang babaeng nakasuot ng puting balabal habang hinihimas ang malaki ng tiyan.
"Matagal ko ng sinabi sa inyo ang tungkol sa propesiya Raziel. Hindi pupwedeng mabuhay ang batang nasa sinapupunan ni Evan dahil kung hindi magaganap ang nakasaad sa--" - hindi na natapos ang sinasabi ni Luthor na siyang pinaka hari sa kanila ng putulin ito ng lalaking may kulay dilaw na buhok.
"Hindi ko papatayin ang anak ko Luthor. Isa pa, hindi kayo nakasisigurado na anak ko ang sinasabi sa propesiya." - mariing sabi ng lalaki na siyang ikinagalit ng Hari.
"Kung ganon ay ako ang papatay sa b--" - nagkagulo ang lahat ng biglang sakalin ng lalaki ang Hari dahilan para hindi nito matapos ang dapat na sasabihin.
"Papatayin muna kita bago mo mahawakan ang anak ko." - seryosong sabi ng lalaki bago siya damputin ng mga kapwa anghel upang ilayo sa hari.
"Hindi mo ako kaya Raziel." - seryoso ding sabi ng Hari bago umalis. Galit naman na tinulak palayo ng lalaking nagngangalang Raziel ang mga kapwa anghel na nakahawak sa magkabila niyang braso saka umalis.
Tahimik naman na umalis ang babaeng nakasuot ng puting balabal habang may umaagos na luha sa mga mata.
Dumating ang araw kung kailan naipanganak ng maayos ni Evan ang anak nila ni Raziel.
"Amaries Neviah ang pangalan niya." - nakangiting sabi ni Raziel sa asawa habang nakatitig sa sanggol na karga at hindi alintana ang isang lalaking nagtatago sa isang istatwa na kanina pa nakamasid at nanonood sa kanilang mag-asawa. Maya-maya pa ay umalis na ito mula sa pagkakatago at patagong pumunta sa isang silid kung saan tahimik na naghihintay ang Hari.
"Maayos pong naipanganak ang sanggol." - magalang na sabi ng lalaki habang nakayuko at nakaluhod sa paanan ng hari.
"Babae o Lalaki?" - tanong ng hari bago inumin ang laman ng kopitang hawak.
"Babae po kamahalan." - dumaloy ang dugo mula sa kamay ng hari ng mabasag niya ang hawak na kopita dahil sa narinig. Galit naman na tumayo ang hari mula sa pagkakaupo sa kaniyang trono saka inihagis ang basag na kopita bago muling binalingan ang lalaking inutusan.
"Sinasabi ko na nga ba at tama ang sinasabi ng propesiya. Cael may gusto akong ipagawa sa'yo." - seryosong sabi ng hari at sinenyasang lumapit ang lalaking inutusan.
"Pagsapit ng dilim gusto kong kuhanin mo ang bata at patayin. Siguraduhin mong mapapatay mo ang bata dahil kung hindi, lahat tayo ay mahihirapan." - gulat naman na napatingin ang lalaki sa hari dahil sa ipinaguutos nito.
"P-pero kamahalan k--" - hindi na natapos ng lalaki ang sasabihin ng tutukan siya ng isang matalim na bagay na gawa sa silver.
"Papatayin mo ang bata o ako ang gagawa?" - madilim na sabi ng hari dahilan para matakot ang lalaki at mapilitang pumayag sa gusto nito.
Sumapit ang kadiliman kaya patagong pumasok ang lalaking nagngangalang Cael sa kwarto kung saan mahimbing na natutulog ang sanggol na babae. Dahan-dahan namang kinuha ni Cael ang bagay na gagamitin niyang pampatay sa sanggol bago ito itinaas at ng akmang ibabaon niya na ito sa katawan ng sanggol ng bigla nalang ito umiyak kaya nataranta ang lalaki dahilan para mapagpasiyahan nitong bitbitin sa isang tagong lugar ang sanggol upang doon nalang patayin.
Dahan-dahan namang inilapag ng lalaki ang tahimik ng sanggol sa kumpol ng mga halaman bago muling kinuha ang matulis na bagay para patayin ang bata at ng akmang isasaksak na niya ito sa sanggol ng bigla nalang itong tumawa habang nakatingin sa mga mata niya kaya naman dahan-dahang ibinaba ng lalaki ang hawak na patulis bago hinimas ang mukha ng sanggol.
Ganun nalang ang pagngiti ni Cael ng maramdaman ang kamay ng sanggol na humawak sa kamay niya kaya naman isang desisyon ang napagpasiyahan niyang gawin. Yun ang itago nalang ang sanggol at hindi na patayin kaya naman pumunta siya ng palihim sa mundo ng mga tao bitbit ang sanggol upang dito itago na hindi matutunton ng kanilang hari.
Inilapag niya ang sanggol sa tapat ng isang maliit na bahay na gawa sa mga kawayan. Bago niya ito iwan ay binigyan niya muna ng kwintas ang sanggol na magtatago sa papatubong pakpak nito na nagpapatunay na isa itong anghel. Tahimik naman na bumalik si Cael sa kalangitan dala ang isa pang desisyon. Ang magtago mula sa mga kauri at hindi pagbalik kahit kailan.
Samantala, agad nagpatawag ang hari ng isang anghel na kayang magbura ng mga alaala. Ginamit ng hari ang kakayahang iyon ng anghel upang burahin sa mga alaala ng mag-asawang sina Evan at Raziel na nagkaroon sila ng anak.
BINABASA MO ANG
Undiscovered Stories
General Fiction[ O P E N √ ] - But Slow Update Do you want your stories to be promoted? just fill up the form neatly. Highest Rank #1 in new stories - 06/13/19 #1 in promotions - 06/13/19 #17 in undiscovered - 06/13/19 #36 in undiscovered - 06/08/19 #113 in Keith...