Beautiful Creatures: The Secret Of Underworld

56 7 0
                                    

BEAUTIFUL CREATURES: THE SECRET OF UNDERWORLD
By: Jenei_leyy
Genre: Fantasy
Status: On-going

Prologue:

Matias POV

"DID anyone can explain this to me?!!"
Marahas kong ibinato ang monthly report ng isang branch ng kompanya ko sa Singapore sa harapan ni Dinsa--ang head na namumuno sa branch sa Italy at Singapore.

Wala ni isa ang nakapag-salita.

"Nalulugi na pala pero hindi niyo man lang nireport sa'kin?!! Anong klaseng empleyado kayo!? Let say that you do something to fix this goddamn mess! But what happened?! Lalo lang lumala!!"

Napahilamos ako sa mukha ko saka ako pabagsak na naupo sa swivel chair ko.

"Mag silayas na muna kayo sa harapan ko--lahat kayo. Nag didilim ang paningin ko sa inyong lahat."

Mga problemang tao sa mundo! Hindi nakakatulong! Nalugi na pala, gumawa sila ng paraan pero lalo lang lumala! Kung sinabi nila ng maaga, edi nagawan ng paraan. Mga inutil!

"Lalaki--"

"Isa ka pa!" sigaw ko sa babaeng kakapasok lang sa opisina ko na kahit pangalan niya ay hindi niya alam.

"San ka na namang lupalop pumunta?!! Ke-aga aga nawawala ka na naman?!"

"Ha? Jan lang naman ako sa may kanten. Uminom ulit ako ng paborito 'kong inumin. Hehe." tawa tawa niya 'pang sabi.

"Tch. Uminom ka na naman ng kape?! Ang dami-dami niyan sa bahay! Eh kung sa bahay ka na lang, eh di sana lahat ng kape laklakin mo don!" sigaw ko, sinimangutan niya naman ako.

"Eh sabi ng ayaw ko don! Ang suplada ng mga katulong mo! Lahat ng hahawakan ko, kukunin nila. Baka daw mabasag ko pa."

"Wala ka kasing alam. Alien ka ata eh. Ni pag-english hindi mo alam. Nagtagalog pa ako para sa'yo."

Ngumiti lang siya sakin saka pinagbubuklat yung magazine sa tabi niya.

Isa pa 'toh. Hindi ko alam kung san lupalop 'toh nanggaling. She can't even say her name! Kaya ang tawag ko sa kaniya ay babae at siya naman ang tawag sa'kin ay lalaki.

Alien talaga.

"Lalak--"

"Ano?!"

"Ang aga aga tapos ang sungit sungit mo. Anong nangyari?"

"Pag sinabi ko ba sa'yo, may gagawin ka?"

"Wala. Hehe. Sabi ko kasi sayo na turuan mo ako niyan pero hindi mo naman ako tinuturuan kaya wala akong magagawa."

"Tch. Wag na. Baka hindi lang branch ang mawala sa'kin kundi buong kompanya ko pa! Umupo ka na nga lang don!" sigaw ko. Itinuro ko pa yung single sofa na para lang talaga sa kaniya.

Napakislot ako ng hawakan niya yung kamay ko saka sinuri yung balahibo ko.

"Ang dami mo namang buhok sa braso, lalaki. Bakit hindi mo ahitin yan tulad ng ginagawa mo sa balbas mo?"

Napabuntong-hininga na lang ako sa tanong niya. Lagi na lang ganito. Mag tatanong siya, sasagutin ko. Pero lahat ng tanong niya pang-alien talaga!

"Umupo ka na nga lang don! Ang dami 'mong tanong!" sigaw ko.

Napatalon naman siya ng bahagya saka nakasimangot na naglakad papaupo sa sofa.

Ka abnormalan talaga.

Undiscovered Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon