"ano? sinagot mo siya para lang pagselosin si jisung?!" sigaw ni chenle sa'kin nang pinapunta ko siya sa bahay para ikwento sa kanya lahat ng nangyari ngayong araw.
as usual, wala si mama. busy sa boutique niya. si ate naman, ayon. hindi na umuuwi dito. si papa? asa ako d'on. matagal ko na siyang hindi nakikita.
"nadala lang ako. nakakainis kasi eh! akala ko masasamid siya sa iniinom niya n'ong sinabi ni seonho na gusto niya ako," huminga ako ng malalim.
"at akala ko din magugulat siya 'pag sinagot ko si seonho."
"makipaghiwalay ka na d'on kay seonho. masasaktan lang kayong dalawa 'pag pinatuloy niyo yan."
hindi ako sumagot.
"kung gusto mo ng ka-fake relationship, ako nalang sana kinontrata mo. para mas kapanipaniwala. hindi d'on sa inosente at walang kaalam-alam na hindi ka pa pala nakakamove-on."
"gago ka." tugon ko.
BINABASA MO ANG
letters for park jisung
Short Storyin which haerim wrote letters for her bestfriend, slash ex-boyfriend, whenever she wants to. but while she was in japan for a three-day vacation, jisung found out about it and read it. sᴛᴏʀʏ ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ ✔ ᴀᴘʀɪʟ 23, 2019 - ᴀᴘʀɪʟ 26, 2019