labing-anim (2)

155 6 0
                                    

isusulat ko na sana ang pangalan ko sa notebook nang, "ano yang sinusulat mo? assignment ba?"

agad ko namang isinara ang notebook at inilagay yon sa bag na katabi ko.

"wala. parang ano, journal lang gan'on." mahina kong tawa.

"wow. nagjo-journal ka na? akala ko ayaw mo sa mga gan'on dahil minsan hindi ka dedicated?" tanong niya ulit habang pinaglalaruan ang disposable na kutsara't tinidor sa baunan niya.

"na-influence ako ni chenle." sagot ko.

"mabuti naman at nakagawa ka ng mga ganyan n'ong wala ako." tawa niya ng kaunti.

gago. hindi ko naman 'to gagawin kung di mo ko iniwan.

letters for park jisung Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon