(april 2, 2020)
"hoy! oreo ko yan!" he pouted.
"hindi mo na kinain eh. sa'kin nalang!" dahilan ko.
kasalukuyan kaming nasa sala ngayon. zootopia ang pinapalabas sa fox movies, kaya agad naming nilabas ang mga pagkain sa ref at nanood.
pangatlong araw na ni jisung dito sa bahay. naglinis kami, pinaliguan ang sasakyan namin, at nagbake.
yung mama lang niya ang naiwan sa kanila. nagfofoster parent kasi ang mama niya ngayon, yung may inaalagaang bata for a few months tapos ibabalik din sa bahay ampunan.
si kuya jihoon naman, tuluyan nang tumira kasama ang boypren niya sa condo nila. (part po ng lgbtq si kuya jihoon)
nasa boutique si mama ngayon kaya kaming dalawa lang ang nandito.
"alam mo, hindi pa din ako magsasawa sa scene na yan." sabi niya habang pinapanood namin yung scene kung saan nagtampo si nick kay judy.
"ilang beses na nating napapanood 'to." sagot ko habang kumukuha ng chiz curls sa center table.
"at hindi pa din ako nagsasawa." tawa niya ng kaunti.
bigla naman akong na-semi-bilaukan sa mga susunod na sinabi niya.
"alam mo? hindi pala ako nagsawa sa'yo. parang napagod lang. pero never kitang pinagsawaan. first love kita eh."
that's it park jisung, get out. hindi sa bahay namin, kun'di sa puso ko.
BINABASA MO ANG
letters for park jisung
Short Storyin which haerim wrote letters for her bestfriend, slash ex-boyfriend, whenever she wants to. but while she was in japan for a three-day vacation, jisung found out about it and read it. sᴛᴏʀʏ ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ ✔ ᴀᴘʀɪʟ 23, 2019 - ᴀᴘʀɪʟ 26, 2019